Saturday , November 23 2024
ronald bato dela rosa pnp

Hindi lang drug test lifestyle check isulong din agad sa mga pulis

Nais pagtibayin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan kaya isinusulong niya ngayon na linisin ang imahe ng pulisya.

Una na nga ang inilulunsad niyang random drug test sa PNP headquarters o police station.

Kapag nag-positive sa droga, awtomatikong tanggal sa serbisyo.

Pero mayroon tayong nais imungkahi kay DG Bato. Isabay na rin niya dapat ang lifestyle check.

Sa pamamagitan ng lifestyle check, lubusang mabubuyangyang sa publiko kung sino ang mga pulis na tiwali.

Isang katunayan diyan si PO2 Jolly Aliangan na ang sabi nga ay nakatira sa isang bahay na parang bahay ng heneral.

At mayroong cash na P7 milyones sa loob ng bahay. ‘Yun pala tulak ng recycle na droga.

Ibang klase ‘di ba?

Kaya kung isasailalim sa lifestyle check ang mga pulis, diyan mabibisto kung sino ang mayroong ginagawang katiwalian.

Hindi naman natin sinasabi na ang mga pulis ay dapat na namumuhay nang miserable pero dapat tayong magtaka kung nabubuhay sila nang higit sa inaasahan sa kanila.

Marami pong ganyan, Gen. Bato.

Sa Maynila lang, marami kayong mahuhuli riyan, lalo na ‘yung isang KAPITAN na namumuno ng notoryus na “intelihensiya group.”

Madaling makilala ‘yan Kapitan na ‘yan, magagara ang kotse, may ilang bahay sa Tondo, may negosyo sa Divisoria, at mamahaling relo at alahas ang gamit nilang mag-asawa!

‘Yan ang dapat ma-buena mano sa mga kakalusin ni Gen. Bato.

Suportado ka namin diyan, Gen. Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *