Monday , December 23 2024

P2-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Lucena

NAGA CITY – Mahigit sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa apat suspek sa isinagawang one-time big time operation sa lungsod ng Lucena.

Kinilala ang mga suspek na sina Arthuro Alcala, 37; Zhamaikoe Batua, 26; Nasif Batua, 25, at Paulo Macadator.

Ayon kay Senior Supt. Eugenio Paguirigan, provincial director ng Quezon-Police Provincial Office (PPO), aabot sa 200 grams ng shabu ang nakompiska sa mga suspek na umabot sa mahigit P2 milyon ang halaga.

Ayon kay Paguirigan, kilala bilang big time drug pushers sa lalawigan ang nasabing mga suspek at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

2 miyembro ng drug syndicate todas sa shootout sa Batangas

PATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng drug syndicate makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Batangas City, nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Erwin Bonquin at Dennis Atiena, sinasabing kapwa miyembro ng Lagro drug group na naka-base sa Batangas City.

Magsasagawa sana ng buy-bust operation ang mga pulis, ngunit nakatunog ang mga suspek kaya nauwi sa enkwentro ang operasyon.

Itinakbo sa ospital ang dalawang suspek ngunit binawian sila ng buhay habang ginagamot.

Narekober mula sa kanila ang P30,000 halaga ng shabu, at kalibre .45 at .38 baril.

4-K drug offenders sumuko sa Reg. 12

GENERAL SANTOS CITY – Halos 4,000 drug personalities ang sumuko sa mga awwtoridad sa Region 12, isang araw bago ang pormal na pag-upo sa puwesto ni incoming President Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Police Regional Office(PRO-12), umabot na sa 3,958 katao ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

Aniya, umaabot sa 2,490 drug pushers at users ang sumuko sa South Cotabato Provincial Police Office, sa Sultan Kudarat Provincial Police Office ay nasa 1,342 katao ang surenderees, at 12 sa Cotabato Provincial Police Office.

Habang naitala ang 114 na sumuko sa General Santos City Police Office.

Samantala, kinompirma ni Senior Insp. Marcelo Mendoza, chief of police ng Alabel Municipal Police Station, humigit kumulang sa 100 kataong sangkot sa droga ang nakatakda ring sumuko sa kanilang himpilan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *