Friday , November 15 2024

2 patay, 5 kritikal sa van vs tricycle

PATAY ang dalawa katao habang lima ang kritikal sa salpukan ng pampasaherong van at tricycle sa Polomolok, South Cotabato nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon ng traffic police, parehong papunta sa direksiyon ng bayan ng Tupi ang dalawang sasakyan nang magbangaan sa Purok Lusanes, Brgy. Sulit dakong 1:30 p.m.

Sinasabing mabilis ang takbo ng van nang mag-overtake sa tricycle.

Biglang lumiko ang mas maliit na sasakyan kaya naararo ito ng van.

Nagpagulong-gulong ang tricycle nang halos 10 metro dahil sa lakas nang pagkakabangga.

Agad nadala sa pagamutan ang pitong nasaktan na pawang pasahero ng tricycle.

Ngunit binawian din ng buhay ang mga biktimang sina Maternidad Biñan at Juvy Jane Aristoque.

Nasa kritikal na kondisyon sina James Lorica, driver ng tricycle, Rubylyn Maglasang, Rebecca Lara, Edgardo Biñan at isang 7-anyos bata.

Kasalukuyan silang inoobserbahan sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga biktima.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng van at dalawa niyang pasahero.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries at damage to properties ang driver ng van.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *