Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manikyurista patay sa saksak ng live-in na nagtangkang maglaslas sa leeg (Ina sugatan)

PATAY ang isang 42-anyos manikyurista habang sugatan ang kanyang ina nang pagsasaksain ng live-in partner na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay bago idating sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Elena Gamboa, 42, ng 79 Diamond St., Phase 5, BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City.

Habang ginagamot sa nabanggit na pagamutan ang ina ni Gamboa na si Consuelo Madriego, 65, residente sa lugar, tinamaan nang malalim na saksak sa dibdib.

Sugatan ang suspek na isinugod sa Rizal Medical Center sa Pasig City na kinilalang si Darwin Carbon Rodriguez, tubong Iloilo, dahil sa saksak sa leeg nang tangkaing tapusin ang sariling buhay makaraan mapatay ang kinakasama at masaksak ang biyenan.

Ayon kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 8:42 p.m. naganap ang insidente  sa  loob ng bahay ni Gamboa sa Diamond St., Phase 5, BF Martinville,  Brgy. Manuyo Dos.

Sa salaysay sa pulisya ni Jeffrey Gamboa, 18, kaanak ni Elena, nagtalo ang suspek at ang biyenan na si Madriego dahil sa pagseselos kay Elena. Sinasabing ipinagtanggol ng matanda ang kanyang anak.

Inawat ni Elena sa pagtatalo ang dalawa ngunit biglang kumuha ng patalim ang suspek at ilang beses na sinaksak ang biktima.

Sunod na pinagsasaksak ng suspek ang biyenan ngunit pagkaraan ay tinarakan din ang kanyang sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …