Friday , November 15 2024

Holdaper utas sa pulis (Nasukol kaya nang-hostage)

PATAY ang isang 41-anyos lalaki nang manlaban sa bagitong pulis makaraan holdapin ang isang empleyada at nagawa pang mang-hostage ng isang pasahero sa jeep upang hindi maaresto sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga.

Agad binawian ng buhay dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang suspek na kinilalang si Edelberto G. Patricio, walang hanapbuhay, alyas Buboy, at nakatira sa No. 88 Sitio Pag-asa, San Martin de Porres, Parañaque City.

Ayon sa pulisya, dakong 8:55 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng East Service Road, Cupang, Muntinlupa.

Bago ang pangyayari, nagpapatrolya sa naturang lugar sina PO1 Harim Corpuz, PO1 Fitz Lee Lapugan at PO1 Pia Palispis, lulan ng mobile car, nang may nagreport sa kanila na hinoldap ang isang babae makaraan tutukan ng baril ng lalaking nakasuot ng t-shirt na kulay dilaw.

Kinilala ang biktimang si April Depasucat, 26, at empleyado sa mall.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis at pinara ang tricycle habang sakay roon ang holdaper ngunit tumalon at tumakas ang suspek.

Nagkaroon nang habulan hanggang sumakay sa pampasaherong jeep ang suspek at ini-hostage si Rodelisa Villanueva, 42, production operator ng Amkor Technology Phils.

Pinakiusapan si Patricio na sumuko ngunit bumaba ng jeep kasama si Villanueva at pumasok sa vulcanizing shop bago pinaupo roon ang babae habang naghahanap ng matatakasang daan ang suspek.

Nang masukol ng mga pulis si Patricio, imbes sumuko ay itinutok ang kanyang baril kay PO1 Corpuz ngunit inunahan siya ng pulis na ikinamatay ng suspek.

Narekober sa suspek ang kalibre .38 revolver na may apat na bala, isang backpack na may lamang dalawang cellpones at iba pang gamit.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *