Saturday , July 26 2025

Chinese trader arestado sa tinderang minolestiya

ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang negosyanteng Chinese national makaraan molestiyahin ang 17-anyos niyang tindera sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte.

Kinilala ng Sindangan municipal police station ang suspek na si Yanhuang Zhang Xie alyas Jumong, 23, residente ng Fujien, Xiamen, China, at pansamantalang nakatira sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Disud sa nasabing bayan.

Mismong ang tiyahin ng dalagitang biktima na si Beverly Tigmo, 43-anyos, ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya makaraan malaman ang insidente.

Agad umaksiyon ang mga pulis at nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si SPO2 Carolyn Ubas ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Sindangan municipal police station, unang araw pa lamang ng biktima kamakalawa bilang tindera sa tindahan ng suspek.

Nang matapos  linisin ng biktima ang kuwarto ng suspek ay bigla siyang itinulak at hinawakan ang maselang parte ng kanyang katawan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *