Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 probinsiya storm signal no. 1 sa bagyong Ambo

INAASAHANG magla-landfall ngayong araw sa Aurora province ang bagyong Ambo.

Una rito, inianunsiyo ng Pagasa, ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) at isa na itong tropical depression na namataan sa silangan ng Borongan City.

Ayon sa Pagasa, namataan ang bagyong Ambo sa layong 182 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at inaasahang gagalaw patungong west north-west sa bilis na 19 kph.

Dahil dito, isinailalim ang pitong lalawigan sa public storm warning signal number 1, kabilang ang Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon kasama ang Polillo Islands, Aurora at Quirino.

Asahan anila sa nasabing mga lugar ang pag-ulan at malakas na hangin ngayong araw habang kahapon ay nagsimula nang makaranas nang malakas na ulan sa bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Ang bagyong Ambo ang kauna-unahang tropical cyclone na pumasok sa Filipinas ngayong 2016.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …