Political prisoners ‘di palalayain nang sabay-sabay
Hataw News Team
June 26, 2016
News
INILINAW ni incoming President Rodrigo Duterte, wala siyang balak magsagawa ng ‘mass release’ sa political prisoners sa bansa.
Ginawa ni Duterte ang paliwanag makaraan lumabas sa isang pahayagan na balak daw niyang magpalaya ng NPA leaders na nakakulong bago pa man maipasa ang amnestiya sa Kongreso.
Sinabi ni Duterte, bilang abogado at dating piskal, hindi niya magagawa ang sinasabi sa lumabas na balita sa pahayagan.
Ayon kay Duterte, pagkakalooban lamang ng amnestiya ang political prisoners kung tuluyan silang susuko at babalik sa normal na buhay sa lipunan.
Ang sinabi umano noon ni Duterte ay papayag siyang bigyan ng free conduct pass ang CPP-NPA leaders gaya ng mag-asawang Tiamzon para makalabas at makasama sa peace talks.
Magugunitang sina Benito at Wilma Tiamzon ay naaresto noong 2014 at nahaharap sa kasong 15 counts ng murder, kidnapping at illegal possession of firearms and explosives.
Dahil sa nasabing report sa isang pahayagan, idinamay na ni Duterte ang lahat ng media sa pagsasabing hindi siya magsasagawa ng press conference hanggang matapos ang kanyang termino.
“Ang sinabi ko noon I will only agree during the preliminary stage of these Oslo talks with the Communist Party of the Philippines. Kung dito sa Filipinas I will give the leaders, the Tiamzon spouses, a free conduct pass outside to allow them to take part in the talks,” ani Duterte.
“But there will be no mass release of the NPA (National People’s Army) sa ating custody ngayon. They will only be released… If things go good, fine, then baka sakali… If they are ready to surrender the arms and resume their normal role in the society then I might consider with Congress amnesty.”