Sunday , December 22 2024

Malversation, graft vs LWUA executives

INAPRUBAHAN na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pormal na paghahain nang kasong katiwalian sa Sandiganbayan laban kay dating Local Water Utilities Administration (LWUA) chief Lorenzo Jamora at iba pa.

Si Jamora at mga co-accused na mga opisyal ng LWUA ay nahaharap sa maraming bilang ng ‘malversation of public funds through falsification’ at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Bukod kay Administrator Jamora, ang iba pang nahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa sinasabing paglustay sa pondo ng bayan ay sina Aurora Raymundo-Arnaez (15 counts), Leonard Matti (15 counts), Francisco Dumpit (7 counts), Eduardo Bangayan (11 counts), Daniel Landingin (101 counts), Emmanuel Malicdem (74 counts), Lilian Asprer (54 counts), Wilfredo Feleo (41 counts), Jesus Copuyoc (12 counts), Edelwina Parungao (11 counts), Manalo Kagahastian (12 counts), Manuel Yoingco (13 counts), Alfredo Espino (12 counts), Rebecca Barbo (11 counts), Armando Fernandez (12 counts), Edwin Ruiz (12 counts), Bernardito de Jesus (13 counts), Antonio Magtibay (13 counts), Enrique Gita (12 counts) Avelino Castillo (20 counts), Lourdes Perele (43 counts), Mario Quitoriano (10 counts), Eleanora de Jesus (63 counts), Hermilo Balucan (9 counts each), Edison Cuenca (1 count each), Venus Pozon (14 counts), Julian Tajolosa (13 counts), Primo Lomibao (230 counts), Arnaldo Espinas (12 counts), Almer Zerrudo (12 counts), Leopoldo Palad (263 counts) at Julita Corpuz (36 counts)

Batay sa findings ng Commission on Audit (CoA) ang respondents ay nagpa-reimburse nang aabot sa P12,879,337.77 at ang pinagbasehan lamang ay pro forma certificates imbes na mga orihinal na resibo at mga dokumento.

Dahil dito noong Hulyo 2009, nagpalabas ang COA ng Notice of Disallowance para hindi payagan ang reimbursement sa malalaking halaga nang gastusin mula P230,000 hanggang P986,356 bawat opisyal.

Tinukoy ni Ombudsman Morales sa resolusyon, pawang walang katotohanan ang mga dokumento at pagpapatunay na talagang ang pondo ay ginastos sa meetings, seminars, official entertainments at iba pa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *