Friday , November 15 2024

Duterte inauguration off limits pa rin sa private media

NANANATILING ‘off-limits’ sa private media ang inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte sa loob ng Rizal Hall sa Palasyo ng Malacañang.

Una rito, lumabas sa mga balitang pumayag na ang organizers at si Duterte na ma-cover nang lahat ng media ang kanyang inagurasyon sa Hunyo 30.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, papayagan ang siyam broadcast networks na makapagset-up sa Palace grounds o sa isang estratehikong lokasyon sa labas ng Palasyo para sa inaugural ceremonies.

Ngunit hindi pa rin aniya makapapasok sa Rizal Hall ang private media, bagkus tanging RTVM/PTV-4 ang magbibigay nang live feed mula sa loob.

Inaasahang tanging ang sendoff ceremony o departure honors para kay outgoing President Benigno “Noynoy” Aquino III ang magiging bukas sa media coverage at pagkatapos nito, tanging PTV-4 na government TV station, ang papayagang mag-cover sa Rizal Hall para ni Duterte at ng gabinete.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *