TUMULAK ng isang panalo at dalawang tabla si Pinoy super grandmaster Wesley So sa last three rounds upang makopo ang second place sa katatapos na Grand Chess Tour Rapid 2016 sa Leuven, Belgium.
Kinaldag ni world’s No. 10 player So si GM Veselin Topalov ng Bulgaria sa seventh round habang tabla ang laro kina GMs Anish Giri ng the Netherlands at former world champion Viswanathan Anand ng India sa round eight at nine upang makalikom ng 5.5 points.
Nagkampeon sa nasabing event si reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway na may anim na puntos.
May tsansa sanang masungkit ni 22-year old So ang titulo kung nanaig siya sa last round at manalo via tie-break.
Nagsalo sa third to fourth spot na may tig five points sina Anand at GM Levon Aronian ng Armenia sa event na ipinatupad ang single round robin.
Solo sa fifth place si GM Fabiano Caruana ng USA tangan ang 4.5 puntos.
Sa nakaraang GCT na ginanap sa Paris, France nasilo ni So ang third.
Susunod na ang Blitz event at ang mga top ten sa world pa rin ang makakalaban ni So at pagkatapos ay sa July na ulit siya tutulak ng piyesa.
ni ARABELA PRINCESS DAWA