Friday , November 15 2024

‘Mariposa children’ sinagip sa bangka (Sa Roxas Blvd.)

TINATAYANG 20 kasapi ng ‘Mariposa’ ang sinagip ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare Office sa mga nakahimpil na bangka sa Manila Bay sa Roxas Blvd., Maynila nitong Martes.

Kabilang sa nailigtas ng Manila Department of Social Welfare Office, Manila Police District, Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) ang limang batang babae at isang batang lalaki na pinaniniwalaang ginagamit ng sindikatong Mariposa.

Ayon kay Lindsay Javier, team leader ng Rescue District 5 ng Manila SWO, may natanggap silang impormasyon na ibinubugaw ang mga batang babae sa mga turistang  nasa yate habang ang ibang mga bangkero ay nagsisilbing courier ng droga.

May mga tumalon sa dagat para makatakas sa operasyon ng mga awtoridad ngunit nahuli rin sila ng mga tauhan ng PCG.

Kinompiska ng mga awtoridad ang mga bangkang ginagawang tirahan.

Kinuha rin ng Veterinary Inspection Board ang mga alaga nilang aso.

Mula ang mga pamilya sa Cavite at Pasay City at dadalhin sa Manila Reception Center para tulungan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *