Friday , November 15 2024

Marcelino kinatigan ng DoJ vs kasong droga

IBINASURA ng Department of Justice ang reklamong may kinalaman sa ilegal na droga na inihain ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) laban kay Marine Colonel Ferdinand Marcelino.

Matatandaan, si Marcelino ay inaresto ng mga tauhan ng PDEA at Anti-Illegal Drugs Group ng PNP sa pagsalakay na ikinasa ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Maynila nitong Enero ng taon.

Si Marcelino ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 11 at 26 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa pagmamanupaktura at pag-iingat ng ilegal na droga.

Ngunit sa resolusyon ng DoJ na pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, hindi nakitaan ng probable cause ang reklamong inihain laban kay Marcelino.

Sa isang hiwalay na resolusyon, ibinasura rin ng DoJ ang reklamong paglabag sa Republic Act 105-91 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at Comelec Gun Ban laban kay Marcelino.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *