Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 drug pusher utas sa shootout, 4 arestado

PATAY ang tatlong hinihinalang mga drug pusher habang apat ang naaresto at nakompiskahan ng baril at shabu makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa drug buy-bust operation sa San Mateo, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, chief of police, ang mga napatay na sina Roel Avilla, 30, ng Ilang-Ilang St.; Joel Parugao, nasa hustong gulang, top 10 drug personality, at Letlet Belmonte, 31, ng 3rd St., Genevile Subd., pawang taga-Brgy. Banaba ng nabanggit na bayan.

Arestado ang mga kasama nilang sina Raymart Alagos, 20; John Michael Tazal, 30; Art Oberio, 37; at Jeff Banez, 30-anyos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rouel Taniegra, dakong 10:30 p.m. nang salakayin ng mga operatiba sa pamumuno ni Insp. Onofre Tavas, ang hinihinalang drug den na bahay ni Parugao sa Ilang-Ilang St., Villa Licel, Brgy. Banaba.

Aktong nagpa-pot session ang mga suspek nang maabutan ng mga operatiba sa loob ng bahay ngunit isa sa ang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Makaraan ang ilang minutong palitan ng putok, tatlo sa mga suspek ang bumulagtang walang buhay habang naaresto ang apat nilang kasamahan.

Nakompiska ng mga awtoridad sa lugar ang dalawang .38 kalibreng baril, pitong bala, apat piraso ng plastic sachet ng shabu, improvised burner at shabu paraphernalias.

Nakapiit na sa detention cell ang mga nadakip na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 Section  5, 6, 7, 11, 12, 13 at 15.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …