Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bata patay, 3 naospital sa butete

NAGA CITY – Binawian ng buhay ang dalawang menor de edad habang nananatili sa ospital ang tatlong iba pa makaraan kumain ng butete sa Brgy. Sabang, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa.

Ayon sa ama ng mga biktima na si Arvin Bristol, 27, ang nabiling butete ang ginawa nilang ulam kamakalawa at binigyan din nila pati ang kapitbahay.

Makaraan ang ilang oras, sabay-sabay na nakaramdam nang panghihina at pagsusuka ang apat niyang mga anak kabilang ang isang-taon gulang na sanggol.

Agad isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang ‘dead on arrival’ ang 7-anyos at 6-anyos.

Samantala, kahapon ng umaga lamang isinugod sa ospital ang anak ng kanilang kapitbahay na kumain din ng nasabing isda.

Patuloy pang inoobserbahan ang kalagayan ng tatlong bata na nananatili sa ospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …