Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Telecoms fair dinadagsa ng shoppers

Dinadagsa ng shoppers mula sa iba’t ibang larangan ng lipunan –  lokal at dayuhang turista, celebrities, office workers, atleta at iba pang propes-yonal –  ang 23rd Telecommunications and Accessories Fair sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City  simula nang magbukas noong Hunyo 10.

Galing sa iba’t ibang bahagi ng metropolis at kalapit na eks-lusibong subsidivisions, natutuklasan ng mga mamimili ang pinakamalawak na koleksiyon ng telecommunications equipment  at accessories tulad ng iPods, iPads, tablets, powerbanks, laptops, chargers, cables, cases at screen protectors, memory devices, speakers, headsets at earphones. May mga tindahan din na may cellphone repair at troubleshooting services.  Matutunghayan din sa fair ang RTWs, bags at luggages, novelty items, collectibles at corporate giveaways, footwear, jewelry, ornamentals at mga pagkain.

Ang fair, na tatakbo hanggang Hulyo 4, ay tinitiyak sa bargain hunters ng value for money sa tradisyon ng Divisoria sa isang lugar na ligtas, madaling puntahan, kombin-yente  at komportable.

Ayon sa event organizer na Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers na pinamumunuan ni Henry G. Babiera,  ang fair ay nilalahokan ng 1,400 participants, na ang karamiha’y importers, manufacturers, mall suppliers, tra-ders, wholesalers at retailers na negosyanteng may sapat na karanasan sa kani-kanilang larangan at ang hangarin ay big-yan ng halaga ang ginagastos ng customers sa pagkakaloob ng de-kalidad na produkto at serbisyo sa abot-kayang halaga.

Sa kanyang pagpapatakbo ng Greenhills Tianggehan simula noong 1999, may iba’t ibang konsepto tuwing ikalawang buwan, tinulungan ni Babiera na mapayabong ang karera ng mga nagsisimulang negosyante sa pamamagitan ng paghihikayat na magtayo ng stalls at pagbibigay ng pointers na i-source ang mga kalakal mula sa ma-nufacturers, exporters at wholesalers. Madalas din niyang tulungan ang mga trabahador ng stall owners na magkaroon ng livelihood opportunities gayon din ang suppliers na nakabase sa mga lalawigan. Maituturing itong sustainable livelihood para sa countryside na nabibiyayaan ang mahigit 100,000 manggagawa na gumagawa ng pinakamahusay na gawang Pinoy na mga produkto na dadaig pa sa mga produktong gawang ibang bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …