Friday , November 15 2024

‘Rapist’ taxi driver arestado sa Taguig

KALABOSO ang isang taxi driver nang maaresto makaraan positibong ituro na siyang humalay at nagnakaw sa kanyang pasahero sa Taguig City.

Nakapiit sa Taguig City Police ang suspek na si Ramil Marco Neric, 25, may asawa, driver ng Rei-Rette Taxi (UVR-922), positibong itinuro ng 20-anyos biktima.

Base sa ulat ni Inspector  Rommel Bulan, commander ng Police Community Precinct (PCP) sa Bonifacio Global City (BGC), namataan ang suspek habang naghihintay ng kanyang pasahero sa lugar dahilan nang kanyang pagkaaresto kahapon.

Sa reklamo ng biktima, galing sila sa isang bar nang sumakay ng taxi kasama ang mga kaibigan nitong Linggo para magpahatid sa kanilang tinutuluyang apartment.

Habang nasa biyahe, nakiusap ang mga kaibigan ng biktima sa driver na ihinto ang taxi sa isang malapit na gasolinahan upang umihi kaya’t naiwan sa sasakyan ang nakatulog na babae dahil sa kalasingan.

Paglabas ng mga kaibigan mula sa comfort room, nagulat sila nang hindi na makita ang taxi at labis na nag-alala sa posibleng mangyari sa biktima.

Nagising na lamang ang biktima habang nasa loob ng isang motel sa Pasig at doon ay hinalay siya ng suspek.

Pagkaraan ay kinuha ng suspek ang kanyang cash at ilang personal na gamit bago inihatid sa tinutuluyang apartment.

Nagsumbong ang biktima sa mga kaibigan kaya sinamahan siyang maghain ng reklamo sa pulisya laban sa suspek.

Sa pulisya, positibong itinuro ng biktima at mga kaibigan ang ‘rapist’ taxi driver. (JAJA GARCIA)

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *