Sunday , December 22 2024

Hapones positibo sa HIV/AIDS nasa PH (DoH dapat maalarma)

ISANG wanted na Japanese national, sinabing biktima ng HIV/AIDS, ang pinaghahanap ng mga awtortidad  dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso at pagkakautang nang milyon-milyon sa kanyang mga kababayan, iniulat kahapon.

Masusing tinutugaygayan ng mga awtoridad ang nasabing Japanese national, alyas Richard Akiba, na sinabing may-ari ng isang club sa Macapagal Ave., Pasay City.

Nabatid na ang Japanese national ay na-diagnose na biktima ng HIV/AIDS matapos ideklara ng isang American doctor sa San Francisco, California.

Sa nasabing lugar  umano nagpapagamot ang Japanese national.

Dahil walang restriksiyon ang Estados Unidos sa HIV/AIDS victim hinayaan nilang makabalik sa Filipinas ang Japanese na nagmamay-ari ng club sa Pasay City.

Dalawang linggo na ang nakararaan, sinabing nagkaroon ng tensiyon sa loob ng club nang matagpuan ang Hapones ng sinabing mga miyembro ng Yakuza na kanyang pinagkakautangan.

Ang nasabing Hapones, dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas ay natagpuan umano ng ilang miyembro ng Yakuza sa club na pag-aari niya sa Pasay, dahil sa malaking halaga ng salaping kanyang inutang.

Nagawa umanong makiusap ng Hapones na kanyang babayaran ang pagkakautang sa sinabing petsa.

Ngunit bago pumayag sa kondisyon ang mga miyembro ng Yakuza sa pakiusap ng Hapones na biktima ng HIV/AIDS, pinagsayaw sa entablado ng kanyang klab ska pinagtawanan nang pinagtawanan.

Nag-aalala ang mga nakakikilala sa Hapones sa kanyang kalagayan dahil wala siyang pambili ng gamot dahil sa pagkakabaon sa utang sa Yakuza.

Bukod diyan, hilig umano ng nasabing Japanese na ‘pakialaman’ ang mga babae sa kanyang club  kaya possible siyang makahawa at magkalat ng HIV/AIDS.

Bukod sa pakikialam sa kanyang mga guest relations officer (GRO), mayroon din girlfriend ang Japanese na kinilala sa pangalang alyas Biana.

Nanawagan ang entertainment industry sa Pasay City sa Department of Health (DoH) at sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) na bigyan ng restriksiyon ang Hapones dahil sa kanyang maselan na kalagayan sa kasalukuyan.

Ayon sa isang club worker, hindi umano sumusulpot sa pag-aaring klab ang Hapones sa pangambang magbalik ang mga miyembro ng Yakuza na kanyang inutangan nang malaking halaga.

Posibleng nagtatago ngayon sa bansa ang Hapones dahil sa taglay nitong nakahahawang sakit na hindi rin alam ng kanyang girlfriend.

 AV

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *