Puwersa ng PDP-Laban, lalong pinalakas sa NCR
Hataw News Team
June 20, 2016
News
Pinagtibay ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan National Capital Region Council (PDP-Laban NCR) ang prinsipyo at estado ng kanilang kinabibila-ngang ruling party sa ginanap na pulong sa Club Filipino, San Juan City kamaka-ilan.
Ayon kay Jose Antonio Goitia, chairman ng Membership Committee ng PDP-Laban NCR at national head ng PDP Laban Policy Studies Group, mainit ang naging pagtanggap nila sa mga dumating na datihang kasapi gayondin sa mga gustong maging miyembro ng kanilang partido
“Maganda ang turnout ng mga nais na sumama sa aming NCR Council. Sa pagtitipong ito, ipinaliwanag muna ni Ka Anthony del Rosario ang tungkol sa five principles ng PDP-Laban at Ka Ed Almazan na nagbigay tanaw sa history ng PDP-Laban,” diin ni Goitia na nanunungkulan din bilang pangulo ng PDP-Laban San Juan City Council. “Ipinaliwanag sa kanila ang kahulugan ng limang prinsipyo ng partido. Sa pamamagitan nito, malalaman nila kung ano ang ipinaglalaban at paninindigan ng PDP-Laban.”
“Mainam kasi na mauna-waan muna ng mga bagong miyembro ang five basic party principles ng PDP-Laban,” paliwanag naman ni PDP-Laban National Capital Region Council President Abbin Dalhani. “Nararapat lamang na matuklasan nila ang aming pangunahing mga prinsipyo na Theism, Authentic Humanism, Enlightened Nationalism, Democratic Centrist Socialism at Consultative and Participatory Democracy.”
“Ang PDP-Laban ang tunay na nanindigan para sa ating kalayaan. At sa pangu-nguna ni PDP-Laban President Senator Aquilino “Ko-ko” Pimentel III na tatang-haling bagong Senate President sa 17thCongress, makaaasa ang aming kapartido na si incoming President Rodrigo Duterte sa kahandaang tumulong ang PDP-Laban para sa mga ipinangako ni-yang pagbabago patungo sa kaunlaran ng ating bayan,” dagdag ni Dalhani.