Sunday , December 22 2024

Impeachment vs Comelec en banc ikinokonsidera ng Kamara (Sa SOCE extension)

AMINADO si incoming House Speaker at Davao del Norte congressman elect Pantaleon Alvarez, ikinokonsidera nila ang pagtalakay sa impeachment laban sa ilang Comelec officials na nagbigay ng extension sa deadline ng statement of contributions and expenditures (SOCE).

Ayon kay Alvarez, malinaw ang batas ngunit ang poll body mismo ang lumabag sa naturang patakaran.

Base aniya sa Republic Act 7166, hindi maaaring makaupo sa puwesto ang mga nabigong magsumite ng SOCE.

Ngunit sa pagbaliktad ng Comelec en banc sa unang resolusyon ng Campaign Finance Unit na pinamumunuan ni Commissioner Christian Robert Lim, tahasang aniyang nilabag ng komisyon ang umiiral na batas.

Hinala ni Alvarez, ginawa ito ng mga opisyal ng poll body upang bigyang daan ang late SOCE submission ng Liberal Party (LP) at ng mga kandidato ng naturang partido.

Bagama’t wala pang maaaring ihaing impeachment case sa Kamara dahil hindi pa nagsisimula ang 17th Congress, hindi malayong mangyari ito sa darating na mga araw.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, sasagutin nila ang kuwestiyon kung ito ay ganap nang nakahain sa proper forum.

Maging ang petisyon ng PDP-Laban sa Korte Suprema ay handa rin daw bigyan ng tugon ng poll body para idipensa ang kanilang naging pasya.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *