Sunday , December 22 2024

Con artist wanted sa pekeng Louis Vuitton

ISANG lalaking con artist ang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos sampahan ng patong-patong na reklamo dahil sa panggogoyo sa pagbebenta ng mga pekeng Louis Vuitton bags sa internet.

Kinilala ang con artist na si Lance Avila alyas Angelo Young, binata, tubong-Cebu City at kasalukuyang tumutuloy sa Makati City.

Nagpapakilala umano ang suspek na isang journalist, traveller at talent coordinator ng mga sikat na artista kaya naman madali siyang makapanghikayat ng mga bibiktimahin.

Modus operandi ni Lance Avila alyas Angelo Young ang mag-post ng Louis Vuitton bags o iba pang items sa internet na ayon sa kanya ay authentic.

Kung titingnan ang produkto ay kompleto mula sa resibo, kahon pati na ang lalagyang bag kaya naman maeengganyo ang customer.

Pagkatapos makapili ng kanyang parokyano ay makikipagkita dala ang kanyang original bag na ibebenta.

Kapag nakombinsi na ang kanyang kliyente ay saka papalitan nang peke ang kanyang dala-dala habang nagwi-withdraw sa ATM machine o banko ang biktima.

Pinapayuhan ang mga makakakilala sa larawan ni Lance Avila alayas Angelo Young na ipagbigay alam agad sa pulisya, sa NBI o maging sa tanggapan ng pahayagang ito ang ano mang impormasyon na makapagtuturo sa kanya.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *