Sunday , December 22 2024

Duterte effect gumana vs droga

IPINAGYABANG ng incoming Duterte administration ang accomplishment ng mga awtoridad sa kampanya ngayon laban sa ilegal na droga, kahit hindi pa man nakauupo sa puwesto si President-elect Rodrigo Dute

Ayon kay incoming presidential spokesman Ernesto Abella, ginamit niya ang pahayag ng ilan na ito raw ang tinatawag na “Duterte effect.”

Una rito, iniulat ng PNP anti-drug campaign, halos isang buwan pa lamang mula Mayo hanggang Hunyo 15, ay mahigit na sa 3,000 suspek na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa iba’t ibang dako ng bansa.

Habang sa lugar ng South Cotabato, mahigit na sa 700 drug suspects ang sumuko sa mga awtoridad dahil sa takot sa tinaguriang “Oplan Rody.”

Ayon pa sa tagapagsalita ni Duterte, kung tutuusin ay puwede namang sumuko ang mga suspek noon pa, ngunit ngayon lamang nila ginawa ito dahil sumisimbolo si Duterte sa ‘no nonsense campaign’ laban sa illegal drugs kaya sunod-sunod ang pagsurender.

Ani Abella, maituturing din daw ito na bahagi nang kasabihang “positive Duterte effect.”

Drug surenderees sa Socot umabot na sa 731

KORONADAL CITY – Lumobo na sa kabuuang 731 ang drug personalities na sumuko sa iba’t ibang police station sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang kinompirma ni Chief Insp. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP.

Ayon kay Bagaygay, nagkaroon ng pagpupulong kamakalawa ang lahat ng mga chief of police sa buong lalawigan at iprinesenta ang bilang ng mga sumukong drug dependents sa kanilang mga AOR.

Batay sa datos, pinakamarami ang nagmula sa bayan ng Tantangan na umabot sa 150, sumunod ang Surallah na may 114 at Banga na may 113.

Samantala, nadagdagan ang mga sumuko sa Koronadal City Police na umabot na sa 88 at may mga naitala rin sa mga bayan ng Sto Niño, Tupi, Tboli, Norala, Lake Sebu at Tampakan.

Malaki ang paniniwala ni Bagaygay, natakot ang mga suspek sa ipatutupad na “Oplan Rody” ng incoming Duterte administration na tututukan ang istriktong pagpapatupad sa pagsawata ng ilegal na droga sa bansa.

Napag-alaman, ang nasabing surenderees ay lumagda ng ‘affidavit of undertaking’ kasama ng pangakong hindi na sila gagamit o magtutulak ng ilegal na droga.

Inaasahang darami pa ang nasabing bilang dahil patuloy ang panawagan pulisya sa mga indibidwal na naiugnay sa droga na sumuko na.

Sa katunayan sa lungsod lamang ng Koronadal, hindi pa nangalahati ang sumuko dahil nasa higit 900 ang nasa listahan ng pulisya.

68 drug suspects napatay sa 2016 anti-drug drive

UMABOT na sa 68 drug suspects ang napatay ng mga pulis habang 17,680 ang naaresto mula nitong Enero, bago pa man magsimula ang administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon sa Philippine National Police, nakapagtala sila ng 17,680 neutralized persons, kabilang 68 napatay na mga suspek, sa isinagawa nilang anti-illegal drugs operations sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 15, 2016.

“Out of the 68 killed suspects from January 1 to June 15, Police Regional Office in Central Luzon recorded the most number with 25 dead from tactical engagements or encounters,” ayon sa PNP.

Magugunitang tiniyak ni Duterte ang pinaigting na kampanya laban sa droga at sinabing dapat puksain ng mga awtoridad ang krimen sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Drug lord, 1 pa todas sa shootout sa Las Piñas

PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang kilalang drug personality ng Region 7, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad nitong Biyernes ng gabi sa Pilar Village, Las Piñas City.

Kinilala ang isa sa dalawang napatay na si Jeffrey Autumn Diaz, alyas Jaguar, sinasabing isang drug lord sa Visayas.

Habang hindi pa matukoy ang pagkakilanlan ng isa pang napatay na nagsilbing driver ni Diaz.

Naganap ang insidente sa kanto ng Jem Road at Narra Street pasado 10 p.m.

Ayon sa mga awtoridad, target ng pulisya ang isang Alvaro Alvaro, alyas Barok, no. 1 drug personality sa Cebu. Napag-alaman ng mga operatiba na madalas nagpupunta si Alvaro sa bahay ni Diaz.

Sinundan ng mga operatiba ang Toyota Fortuner ni Diaz hanggang sa Pilar Village at nang sitahin, nakipagbarilan sa mga pulis.

Habang nakatakas ang isa pang suspek na si Alvaro.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa pag-iingat sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon,isang M16 rifle, isang .45 caliber pistol armscor, mga bala, P10,000 cash at ilang pekeng ID na nasa pangalan ni Diaz. (JAJA GARCIA)

Designer, 3 pa tiklo sa party drugs sa dance party

APAT indibidwal ang arestado, kabilang ang isang designer, nang mahulihan ng party drugs at drug paraphernalia sa dance party sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, ang naarestong mga suspek na sina Marc Dexter Chua, 28, ng 23-N Arfel Danville Subdivision, Brgy. Culiat, Quezon City; Leah Reyes, 31, ng 2 Apple St., Dividend Homes, Taytay, Rizal; Shelumiel Calica,18, estudyante, ng 228 Savio St., Mayapa, Calamba, Laguna, at Nicolo Franco, 28, isang designer, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dumalo ang mga suspek kamakalawa ng gabi sa “Innovation White dance party” na inorganisa ng Bigfish International Production sa World Trade Center, Buendia Avenue sa nasabing lungsod.

Sa mahigpit na inspeksyon na ipinatupad ng mga awtoridad at ng organizer, nakompiskahan ng isang pirasong ecstacy si Chua dakong 12 a.m.

Habang bandang 12:30 a.m. nang maaresto sina Reyes at Calica nang makompiskahan sila ng ecstacy at drug paraphernalia na may bakas (residue) ng marijuana.

Samantala, nakuha kay Franco ang 11 ecstacy at isang green kapsula na hinihinalang party drug, sa entrance gate ng dance party dakong 3:30 a.m.

Magugunitang humantong sa trahedya ang Close-Up Forever Summer concert noong Mayo 21 na ikinamatay ng lima katao dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *