Wednesday , April 9 2025

So arangkada sa ELO rating

Humakot ng plus 52.2 ELO rating points si super grandmaster Wesley So sa katatapos na Grand Chess Tour-Paris 2016 Rapid sa France.

Matapos ang third place finish ni 22-year-old So sa nasabing super tournament, umakyat sa 2704 ang Rapid rating nito.

May total 5.5 points si So, isa’t kalahating puntos na agwat sa nagkampeon na si GM Hikaru Nakamura ng USA habang second si reigning world champion GM Magnus Carlsen na may 6.5 points.

Nakaipon ng mataas na puntos si So nang talunin niya sa first round si Carlsen, malaki rin ang nasikwat ng Pinoy kay GM Levon Aronian ng Armenia nang paluhurin nito sa fourth round.

Sa Blitz event, hindi man maganda ang kanyang puwesto ay nakalikom pa rin ang Imus, cavite native So ng malaking puntos.

Nadagdagan ng 18.8 point ang ELO rating nito sa Blitz.

Umabot na sa 2744 ang rating ni So at pang 27 sa buong mundo sa Blitz.

Samantala, nakakapit pa rin sa No. 10 sa world si So na may standard ELO rating na 2770.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Laela Mateo

Laela Mateo handang sumabak sa PH junior team

ANG open basketball program ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ay isang mabisang programa para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *