Friday , November 15 2024

Purisima, Napeñas idiniin ng Ombudsman sa Mamasapano case

IDINIIN ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas sa mga kasong graft at usurpation of authority.

Una rito, iniapela ng dating police officials ang kanilang mga kaso ngunit ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa kakulangan ng merito.

Ayon kay Morales, ‘guilty’ rin ang dalawa sa mga kasong administratibo na grave misconduct, gross neglect of duty at iba pa makaraan ang madugong resulta ng Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 tauhan ng Special Action Force (SAF).

Sinasabing nalabag ang PNP chain of command dahil sa pagpasok ni Purisima sa eksena nang ilunsad ang Oplan Exodus, gayong suspendido siya dahil sa ibang usapin.

Samantala, ‘guilty’ rin si Napeñas dahil sa pagre-report niya kay Purisima ng mga update sa operasyon nang hindi nalalaman at walang approval mula sa nakaupong OIC-PNP Chief na si Leonardo Espina.

Samantala, ang kaso ng mga rebeldeng sangkot sa pagpatay sa SAF 44 ay hindi pa rin naihahain sa korte.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *