Friday , November 15 2024

Pritong saging, biko at bibingka ihahain ni Digong sa inagurasyon

DAVAO CITY – Bukod sa simpleng inagurasyon, aasahan din ang simpleng mga ihahanda sa inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 sa Rizal Ceremonial Hall sa Malacañan Palace.

Una rito, sinabi ni Christopher Lawrence “Bong” Go, executive assistant at incoming head ng Presidential Management Staff,  makaraan ang panunumpa ni Duterte, magkakaroon lamang ng “light finger food” gaya ng piniritong saging, biko at bibingka.

Dagdag ni Go, imbes wine, ipatitikim sa mga bisita ang tablea (hot chocolate) na galing sa Malagos Chocolate sa lungsod ng Davao.

Magsasagawa rin ng tour sa Malacañang Museum pagkatapos nang programa.

Hindi muna uuwi ng Davao ang incoming president bagkus mananatili muna siya sa ‘Bahay Pangarap’ na nagsilbi ring official residence ni outgoing President Benigno Simeon Aquino III.

Ito ay katapat lamang ng Palasyo at kailangang tawirin ang Pasig River.

Una rito, pinaninindigan ng alkalde na hindi niya gagawin ang inagurasyon sa Quirino Grandstand sa Luneta na pinagdausan ng oathtaking noon ni Pangulong Aquino at iba pang mga presidente ng bansa.

About JSY

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *