Friday , November 15 2024

Panelo legal counsel, Abella Spokesperson (Bagong appointment ni Duterte)

ITINALAGA na bilang chief presidential legal counsel si Atty. Salvador Panelo ni incoming President Rodrigo Duterte.

Unang itinalaga ni Duterte bilang kanyang incoming press secretary at presidential spokesman si Panelo.

Ngunit makaraan ang pagpupulong kamakalawa ng gabi sa PICC sa Pasay City ng ilang incoming cabinet members ng bagong administrasyon, nagbago ang puwesto ni Panelo.

Ang mini-reshuffle ay kinompirma ni incoming Palace Communications Chief Martin Andanar.

Aniya, ipinalit kay Panelo ang pastor na si Ernesto Abella.

Magugunitang umani ng pagpuna si Panelo dahil dati siyang abogado ng pamilya Ampatuan na pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.

Umani rin nang pagpuna ang pagsusulong niya kay Duterte bilang Constitutional dictator at nararapat na mapahaba raw ang termino.

Nitong nakaraang araw, sinabi ni Abella, wala silang kaugnayan sa president-elect at nilinaw na hindi siya nag-apply sa nasabing posisyon.

Unang lumutang na siya ang magiging deputy presidential spokesman na kahilingan umano ni Atty. Panelo.

Para kay Abella, noon pa man ay malaki na ang kanyang tiwala sa mga nagawa ni Duterte sa lungsod ng Davao.

Ikinuwento rin ni Abella na naging instrumento si Duterte noong taon 1996 sa pagpapalaya sa kanya sa kamay ng mga kidnapper.

Bago ini-appoint, si Abella ay founder ng Southpoint School sa Davao at founder ng One Accord Credit Cooperative.

Siya ay nagtapos ng Masters in Entrepreneurship sa Asian Institute of Management, graduate ng School of English, School of Communication Arts sa Ateneo De Manila University at instructor din sa Ateneo de Davao College.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *