Sunday , December 22 2024

P85-M ng Laoag LGU missing (Tesorera tumakas, sumibat sa Hawaii)

LAOAG CITY – Kinompirma ni Mayor Chevylle Fariñas ng lungsod ng Laoag, ang pagkatuklas sa mahigit P85 milyong nawawalang pera ng city government.

Ayon kay Fariñas, agad siyang nagpalabas ng memorandum kay City Treasurer Elena Asuncion upang magpaliwanag hinggil sa nawawalang pondo.

Ani Fariñas, ang sinasabing anomalya ay natuklasan mismo ng city accountant at lumalabas na nagsimula pa ito noong 2007.

Batay sa isinagawang inisyal na pagsisiyasat, natuklasan na gawa-gawa lamang ng city treasurer ang mga dokumento na nagpapatunay na idinedeposito sa mga banko ng city government ang mga pondo ngunit ang totoo ay hindi naman.

Agad din hiniling ng city government ang paglagay kay Asuncion sa watchlist ngunit ayon kay Paul Versoza ng Bureau of Immigration and Deportation sa Pangasinan, batay sa records ng ahensiya, nakalabas na si Asuncion noong Hunyo 14 patungong Honolulu, Hawaii lulan sa isang flight ng Philippine Airlines

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *