Tuesday , May 13 2025

Buntis, 9 pa sugatan sa demolisyon

UMABOT sa 10 katao ang sugatan, kabilang ang isang buntis, nang makipagbuno ang mga residente sa riot policemen na kasama ng demolition team na gigiba sa kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City  nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, ilang mga pulis at miyembro ng demolition team ang nasugatan makaran maghagis ng bato at bote ang mga residente.

Napag-alaman, inimpormahan nitong Miyerkoles ng city government ang chairman ng Brgy. Tandang Sora na si Hector Geronimo, may hurisdiksiyon sa 1,668 square meter property na pag-aari ni Reynaldo Guiyab, sa gagawing demolisyon sa mga estruktura na ipatutupad.

Ngunit iginiit ng mga residente, hindi sila inabisohan ng barangay official kaugnay sa demolisyon at wala rin inialok na relokasyon para sa kanila.

Gayonman, sinabihan ang mga residente na sila ay pagkakalooban ng P30,000 relocation assistance.

About Hataw News Team

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *