Tuesday , December 24 2024

Aksiyonan sana ng PHILRACOM

Balik tayo sa post analysis at nasilip sa mga takbuhang naganap nitong nagdaang Martes at Miyerkoles na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park.

Sa unang takbuhan nung Martes ay prenteng nagwagi ang kabayong si Oh Neng na nakapagtala ng pruwebang 1:21.0 (07’-24’-23’-25’) sa distansiyang 1,300 meters habang nakapirmis lamang ang kanyang hinete na si Tom Basilio. Tanging si Cherokee Chase lang ang nakitaan na nagpumilit humabol sa kanya, iyon nga lang sobrang lakas pa ni Oh Neng dahil na rin sa sobrang baba ng grupo ang nasalihan.

Magaan na nawagi ang kabayong Bull Star Rising sa kanyang mga nakalaban, pero tiyak na masusubukan na siya sa aakyatang grupo. Ang kalahok na si Pure Joy na palaging nasasama sa timbangan ay huwag basta iiwan, senyales iyan na naghahangad ng panalo.

Si Kidney’s Magic makakababa na ng grupo, kaya manmanan. Hugandong nanalo ang isa pang kalahok ni Ginoong Ed Gonzalez na si Savior, si Paytobesmart lang ang nagpumilit na lumaban. Maganda ang nagawang diskarte ni Archie Manabat sa dala niyang si Kidlat dahil medyo inawat niya muna sa umpisa at pagdating sa bandang gitna ay saka pa lamang binibuhan kaya pagpasok sa rektahan ay may lakas pang maibubuga kontra sa mga reremate.

Nabitin naman si Grandox dahil sa biglaang pagsalikwat sa kanya, ika nga ay nasanay kasi na hinay lang ang pagpatakbo. Pero sa susunod ay kaya na ni Grandox na magtuloy. Ang kabayong si Show Must Go On ay isama na rin sa ating mga aabangan at paglalaanan.

Nung Miyerkules ay pinasabik pa ni apprentice rider J.P.Decenilla ang mga nagsolo sa sakay niyang si Worth The Wait dahil medyo nawala sila sa kamera bago pumasok sa rekta, pero nung makita na ni hinete ang pag-ayuda ay nagtuloy-tuloy na rumemate at malayo pang nanalo.

Sana ay maibalik kahit na sa apprentice lang si Masskara upang makatikim na ng primera. Tila napabor naman sa kabayong si Kid Bogart ang ikalimang takbuhan.   Dahil bukod sa naiwan ang sana’y maaring makalutsa sa kanya sa harapan na si Homerun Queen ay nakitaan din ng pagmenor ang sakay ni Facing The Music na kaisang kuwadra ni Kid Bogart. Ayon pa sa ating bubwit ay kabilang pa na kaisa iyong nagwagi sa unang karera, kaya naman ay nabuo ang tayms-taymis nila sa unang set ng Pick-5 event na nagbigay pa ng P4,000.00 mahigit.

Nakaungos sa meta ang sakay ni Ramon Raquel Jr. na si Princess Tin laban sa outstanding favorite na si Ariston. Halos malapit na terserong dumating sa laban na iyan ang rumemate sa may tabing balya na si Smart Kid, na konektado rin sana kay Kid Bogart. Sa karerang iyan ay maraming BKs ang nag-react sa pagkatalo ni Ariston.

Una ay bakit biglaang pumigil at umatras, tapos nung ginalawan ay ang tulis ng remate. Subalit nung magkapanabayan na ay kung kailang papalapit na sa meta ay imbes na padiretso ang pagtakbo ay naging pakanan, kaya pagdating sa linya ay umungos iyong kasabayan niyang padiretso ang takbo. Sana marebyu at maimbestigahan ang garapalan sa karerang iyan, lalo na iyong sa frontal shot bago dumating sa meta.

Nawa’y aksiyonan sana ng PHILRACOM ang ikaanim na karerang iyan para sa kapakanan ng mga BKs at industriya. Maraming salamat Chairman Atty. Willy De Ungria at mga commissioners.

REKTA’s GUIDE :

Metroturf Club, Inc.

Race-1 : (5) Mccartney, (8) Beautiful Lady, (7) Goldbar.

Race-2 : (6) Grand Mighty, (2) Kimagure, (4) Little Kitty.

Race-3 : (4) Kay Inday, (8) Jarred Skywalker, (7) Tisay.

Race-4 : (2) Miracle Can Happen/Smart Tony, (8) Irene’s Dream.

Race-5 : (2) Champs/OneMoreTimeSweety, (7) Rosario Princess, (3) Luau.

Race-6 : (6) Bentley, (4) Marinx.

Race-7 : (4) Manilenya, (8) Irish Toffee.

Race-8 : (4) Premo Jewel, (2) BennyTheWaiter/Mud Slide Slim.

Race-9 : (9) Son Also Rises, (11) Graf, (1) Virgin Victoria.

REKTA – Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *