Friday , November 15 2024

2 estudyanteng dinukot sa Lanao Norte laya na

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalaya na ang dalawa sa anim mag-aaral na dinukot ng grupo ng mga kalalakihan sa probinsya ng Lanao del Norte.

Ito ay nang makaramdam ang mga suspek ng pressure ng anti-kidnapping task force kaya napilitang palayain ang natitirang mga biktima na sina Cid Rick Jamias at Berzon Rey Paeste.

Inihayag ni Iligan City Police Office director, Senior Supt. Reynaldo Daniel, iniwan ng mga suspek ang mga biktima sa bayan ng Munai, Lanao del Norte.

Sinabi ni Senior Supt. Daniel, malinaw ang layunin ng kidnappers na kidnap-for-ransom ang motibo ngunit napakawalan ang mga biktima nang walang sangkot na pera.

Inihayag ng opisyal, natukoy na rin nila ang pagkakilanlan ng karamihan sa kidnappers na kinabilangan ng ilang Maranao.

Natuklasan din na mayroong pending kidnapping cases ang karamihan sa mga suspek na nasa likod ng huling kaso na naganap sa Iligan City.

Una nang nakalaya ang mga biktimang sina Hannah Yurong, Kevin Limpin, Eloisa Lacson at Juhari Gubat, mga mag-aaral at alumni mula sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT).

Napag-alaman, dinukot ang mga biktima ng mga nakasakay sa puting van sa Iligan City noong Hunyo 4, 2016.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *