Friday , November 15 2024

Snatcher kritikal sa kuyog sa Kyusi

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaking nanghablot ng cellphone makaraan kuyugin ng mga residente sa Batasan Hills, Quezon City, nitong Miyerkoles nang umaga.

Kinilala ang suspek na si Alvin Fugun, 25, isinugod sa East Avenue Medical Center, nananatiling malu         bha ang kalagayan dahil sa malaking sugat sa ulo.

Ayon sa biktimang si “Raine,” isang call center agent, nasa labas siya ng bahay at hindi makapasok dahil naiwanan niya abf susi nang biglang akbayan ng suspek.

Nagpumiglas ang biktima hanggang makawala at nagtatakbo papunta sa bahay ng kaibi-gan.

Ngunit sinundan ng suspek si Raine hanggang sa IBP Road at doon pini-lit muling agawin ang kanyang cellphone.

“Bigla niyang gina-grab ‘yung buhok ko, sinabunutan niya ako. Sabi niya sa akin, ‘Wag ka maingay, akin na iyan.’ Nag-bang pa nga ako sa pader ng Congress tapos naghilahan na kami ng cellphone,” ani Raine.

Nakatakas ang suspek ngunit hinabol siya ng biktima at naharang ng pitong lalaki na bumugbog sa kanya. Pinukpok nang malaking bato ng isang lalaki ang ulo ng suspek.

Natigil ang pagkuyog nang sumulpot at sumaklolo ang ina ng suspek.

Nagkaroon ng galos ang biktima dahil sa pa-kikipagbuno kay Fugun. Narekober ang kanyang cellphone ngunit sira na ito.

Desidido siyang sampahan ng kaso ang suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *