Friday , November 15 2024

Dropout rates mas marami sa K-12 Program

MULING binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng programang Enhanced Kindergarten to Grade 12 (K-12), dahil ngayong pasukan, kitang-kita na ang kakulangan ng kagawaran sa pagpapatupad ng programa.

Dati nang nagbabala si Trillanes na lalong lalala ang drop-out rates at tataas ang gastos sa edukasyon sa bansa sa ilalim ng programa dahil hindi ito praktikal na solusyon para sa problema ng mababang kalidad ng edukasyon sa Filipinas.

“Ngayon, malala pa rin ang kakulangan ng mga silid-aralan at mga guro, bakit kinakailangang magpasimula pa ang DepEd ng isang programa na lalong magpapalala sa kondisyon ng mga pangunahing pangangailangan sa edukasyon?” tanong ng senador.

“Ang programang ito ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng karagdagang gastos sa gobyerno kundi maging sa mga magulang na hirap nang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo,” aniya.

Batay sa datos ng mismong DepEd, 50 porsyento lamang ng 1.4 milyong estudyante ang nakapag-enrol sa Grade 11 kung kaya masasabing bigo ang DepEd sa mandato nitong makapagbigay nang libreng edukasyon sa publiko.

Ayon kay Trillanes, ang programa ng DepEd na umano’y naglalayong mapalawak ang basic education sa bansa mula 10 taon patungong 13 taon, ay magpapalala pa sa mataas na drop-out rates sa bansa.

Sinabi ni Trillanes, 6,000 pampublikong eskuwelahan ang handa umano sa K-12 kaya nakaambang hindi makapag-aral ang mga estudyante mula sa 2,000 paaralan na hindi preparado at walang kakayahan sa pagpapatupad ng nasabing programa.

“Sa bawat 100 mag-aaral sa Grade 1, 43 lamang ang nakatatapos ng high school, at 14 ang makapagtatapos sa kolehiyo,” aniya. “Kung ating isasaalang-alang ang kasalukuyang estado ng ekonomiya, hindi kinakailangan maging genius para makita ang drop-out rates dahil lalo lamang tataas kung ipapatupad ang dalawang taon dagdag sa school curriculum.”

Pinabulaanan din ni Trillanes ang sinasabi ng DepEd na ang naturang programa ang magpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa at ang solusyon sa kawalan ng trabaho sa mga kabataan.

Ayon kay Trillanes, base sa pag-aaral na ginawa ni former Education Deputy Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio, “walang kaugnayan ang bilang ng taon ng pag-aaral sa pangkalahatang kalidad ng edukasyon.”

Inahalimbawa ni Trillanes ang situwasyon sa mga bansa na may mahabang secondary level ng school cycle tulad sa South Africa, Chile, Botswana, Morocco at Saudi Arabia na pawang nabibilang sa mga low-performing high school students sa mundo.

Kaduda-dura umano ang argumento na ang isang 18-year-old na magtatapos sa ilalim ng  programa ng K-12 ay magiging ‘employable’ kahit walang college degree.

“Kung ang libo-libong mga estudyanteng nagsipagtapos ng kolehiyo ay hindi makahanap ng trabaho, paano naisip ng DepEd na kaya nilang resolbahin ang unemployment sa pamamagitan ng umanoy ‘employable’ high school graduates?” diin ng Trillanes.

“Batay sa statistics, hindi maaaring iugnay ang mataas na unemployment rate sa bansa mula sa youth sector sa maikling education cycle sa Filipinas. Sa halip, mas makabubuti kung rebisahin na lamang ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya at job generation policy ng pamahalaan,” paliwanag ni Trillanes.

About Tracy Cabrera

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *