Sunday , April 20 2025

Ceasefire muna (Trillanes kay Digong)

SA kabila ng negatibong pahayag ni Incoming President Rodrigo Roa Duterte laban kay Senator Antonio Trillanes IV, hindi natitinag ang mambabatas  sa napipintong pag-upo ng dating alkalde ng Davao dahil wala umano siyang kinatatakutan at kailan ma’y hindi siya nasangkot sa ano mang anomalya.

Sinabi ito ni Trillanes sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, bilang panelist sa talakayan kasama sina education assistant secretary Jessie Mateo at Preciosa Soliven ng Operation Brotherhood Montessori.

Ayon kay Trillanes, bibigyan niya umano ng daan para patunayan ng bagong pangulo ang kanyang mga pangako sa sambayanan na lilinisin ang pamahalaan sa korupsiyon at susugpuin ang kriminalidad para sa kapakanan ng buong bansa.

“I will give him elbow room to do what he has promised. Let us see what he will do when he assumes the presidency on June 30,” diin ng Senador.

Nang tanungin kung ano ang reaksiyon sa mga negatibong komento tungkol sa kanya, tumugon ang senador na hindi siya naaapektohan.

“I am not vindictive. We’ll wait what happens but for now, ceasefire muna tayo,” aniya.

Ayon kay Trillanes hangga’t hindi opisyal ang pag-upo ni Duterte bilang pangulo ng bansa, maituturing  na  hindi epektibo at walang bilang ang tila mga kautusang kanyang inihahayag.

Minsang nagsabi si Duterte kung bakit tinanggihan si Trillanes na maging running mate na ‘dirty na at undeserving pa’ umano ang namuno sa 2013 Oakwood mutiny.

About Tracy Cabrera

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *