Friday , November 15 2024

2 dayuhan, 5 Pinoy bihag ng ASG sa Sulu — AFP

ZAMBOANGA CITY – Puspusan ang pagsusumikap ng militar para mabawi nang buhay sa lalong madaling panahon ang dalawa pang banyaga at limang Filipino na bihag pa rin ng bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ginagawa nila ang lahat para maisalba ang mga biktima at hindi mauwi muli sa pamumugot ng ulo.

Nagpapahirap lamang aniya sa kanilang tropa ang terrain ng Sulu at masyadong malaki ang bulubunduking bahagi habang palipat-lipat ang mga bandido dala ang kanilang mga bihag na ginagamit pa nilang human shield sa tuwing hinahabol na sila ng mga sundalo.

Inihayag ni Tan, kabilang sa natitirang mga banyagang biktima ay Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad na kasama sa apat na dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte noong Setyembre 21 nang nakaraang taon.

Habang ang isa pang dayuhang bihag ay birdwatcher at Dutchman na si Ewold Horn, apat taon nang nananatiling bihag ng Abu Sayyaf.

Kasama rin niyang binihag ang isa pang Swiss national na si Lorenzo Vinciguerra.

Noong Disyembre, 2014 nang makatakas si Vinciguerra nang manlaban sa kasapi ng Abu Sayyaf na nagbabantay sa kanya.

Kabilang din sa lima pang mga Filipino na bihag ay si Marites Flor na isa rin sa mga biktima ng Samal Island kidnapping.

Sinabi ni Tan na bagamat may lumalabas na impormasyon na may banta rin ang Abu Sayyaf na papatayin din ang Norwegian national kung hindi maibibigay ang kanilang ransom demand, umaasa ang militar na hindi na ito mangyayari muli.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *