Friday , November 15 2024

Pulong ng drug lords sa Bilibid itinanggi ni Olaguer

MARIING itinanggi ng isang mataas na opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) na may nagaganap na pagpupulong ang mga drug lord sa loob ng bilangguan para iplano ang asasinasyon kina incoming President Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) chief, C/Supt. Ronald Dela Rosa.

Sinabi ni Monsignor Bobby Olaguer, NBP spokesperson, sa kanyang text message noong Huwebes ng gabi, wala silang nalalamang pagpupulong ng mga nakakulong na drug lord sa Bilibid na nagbabalak na likidahin sina Duterte at Dela Rosa dahil sa kampanya ng dalawa laban sa illegal na droga.

Magugunitang ibinulgar ni Dela Rosa sa mga programa sa GMA na Unang Hirit at sa DZBB na mula sa naunang alok na P10 milyon bawat isa sa makapapatay sa kanila ni Duterte ay itinaas na ng mga druglord sa Muntinlupa sa halagang P50 milyon.

Sa huli aniyang pagpupulong ng druglords sa NBP, nalaman ng mga pusakal na wala umanong gustong kumagat na assassins sa ‘pain’ ng drug lords na P10 milyon sa ikamamatay nila ng matapang na Mayor ng Davao City.

Wala aniyang gustong tumanggap ng P10 milyon lamang kaya itinaas sa P50 milyon.

“Kahapon, P50 million either ako o si Mayor dahil walang takers sa  P10 milyon,” ani Dela Rosa nitong Miyerkoles ng umaga, Hunyo 8.

Isiniwalat ni Dela Rosa na mayroon siyang ‘insider’ o mata sa mismong grupo ng drug lords sa NBP kaya nalalaman niya ang galaw at plano ng grupo.

Gayon man, hindi isiniwalat ng incoming PNP chief kung  sino-sino ang druglords na nagpaplano nang masama laban sa kanila ni Duterte.

Pinagdududahan din ni Msgr. Olaguer ang report kay C/Supt. Dela Rosa ng kanyang asset umano sa grupo ng drug lords.

“Posibleng may kakilalang inmate na nagbibigay ng impormasyon pero walang katiyakan kung totoo,” ani Olaguer.

Gayon din, may kahirapan ayon kay Msgr. Olaguer na iberipika at malaman ng intelligence unit ng Philippine National Police (PNP) ang mga kahalintulad na pagpaplano sa loob.

Si Msgr. Olaguer bilang Spokesman ng NBP ay naglilingkod din  bilang Chaplain ng simbahan sa NBP.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *