Tuesday , April 15 2025

Hahabulin kayo kahit saan man (Banta ni Trudeau vs ASG)

OTTAWA – Nagluluksa ang Canada sa pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage na si Robert Hall.

Kasabay nang pagkodena sa karumal-dumal na krimen, iniutos ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang paglagay sa half-mast ng bandila ng Canada.

Ayon kay Trudeau, nagkausap na sila ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nagpaabot nang pakikiramay sa Canada sa pagkamatay ni Hall.

“It is with deep sadness that I have reason to believe that a Canadian citizen, Robert Hall, held hostage in the Philippines since September 21, 2015, has been killed by his captors.

“While Canadian officials are working closely with authorities in the Philippines to formally confirm Mr. Hall’s death, we have compelling reason to believe that reports to this effect are, unfortunately, true.

“The vicious and brutal actions of the hostage-takers have led to a needless death.

“Canada holds the terrorist group who took him hostage fully responsible for this cold-blooded and senseless murder,” ani Trudeau.

Tiniyak ng Prime Minister na tutugisin ang mga responsable sa pagkamatay ni Hall at ng isa pang Canadian na si John Ridsdel, kahit gaano pa katagal bago makamit ang hustisya.

“We are more committed than ever to working with the government of the Philippines and international partners to pursue those responsible for these heinous acts and bring them to justice, however long it takes,” dagdag ng Prime Minister.

Una nang pinugutan ng Abu Sayyaf si Ridsdel noong Abril.

Nakiramay rin si Trudeau sa pamilya ni Hall at binigyang pugay ang katatagan nila sa kabila ng pangyayari.

Ang dalawang Canadians ay pinugutan dahil sa kabiguang magbayad ng ransom.

Ngunit nanindigan ang Canadian leader na hindi magbabayad ng ano mang ransom sa mga terorista.

Sina Hall at Ridsdel, kasama ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at Filipina na si Marites Flor, ay dinukot ng Abu Sayyaf sa isang resort sa Samal Island noong Setyembre 21, 2015.

Kinondena rin ng Norway ang pagpugot ng Abu Sayyaf kay Hall.

Ayon kay Norwegian Foreign Minister Borge Brende, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Filipinas para sa paglaya ng kababayan na si Sekkingstad.

About Hataw News Team

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *