Friday , November 15 2024

Drug lords hinamon ng duelo ni Gen. Bato (Patong sa ulo nina Digong, Gen. Bato itinaas sa P1-B)

HINAMON ng duwelo ni incoming PNP chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang drug lords na naglaan daw ng P1 billion bounty para ipapatay silang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, kapag siya ang nanalo sa naturang duwelo, dapat ibigay sa kanya ang P1 bilyon.

Ngunit aniya, hindi niya ito ibubulsa dahil ngayon pa lang ay may paglalaanan na siyang pagbibigyan ng pera para sa mahihirap.

Hindi natitinag sina Duterte at Dela Rosa sa mahigpit na kampanya kontra sa illegal na droga kahit gawin pang P1 trillion ang patong sa kanilang mga ulo mula sa ambagan ng drug lords.

Samantala,  ilang araw bago ang inagurasyon, iniulat na itinaas sa P1-bilyon ng mga drug lord ang patong sa ulo laban kina Incoming President Rodrigo Duterte at incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon sa ulat, nangako ang 20 biggest drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, na magbibigay sila ng P50 milyon bawat isa para mapatay sina Duterte at Dela Rosa.

Gayonman, tinawanan ni Duterte ang nasabing ulat, ayon kay Dela Rosa. Idinagdag na hindi sila natatakot.

“Hindi na nila ako kailangan takutin dahil matagal nang naubos ang takot ko. Wala na akong takot na naiwan. Ang naiwan na lang sa akin, tapang,” ayon kay Dela Rosa.

Ang unang sinasabing ipinatong sa ulo nina Duterte at Dela Rosa ay P10 milyon ngunit makaraan ang isang linggo ay itinaas ito sa P50 milyon. At pagkaraan ay sinasabing itinaas na ito sa P1 bilyon.

Kaugnay nito, itinanggi ni Dela Rosa ang ulat na isang drug lord na nagngangalang Peter Co ang nag-alok ng P50 milyon.

Magugunitang noong campaign season, nangako si Duterte na susugpuin ang illegal drug sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim buwan.

Sa kanyang thanksgiving party sa Davao City noong Hunyo 4, nag-alok siya P5 milyon reward sa mga pulis at pribadong mamamayan na makapag-aaresto o makapapatay ng drug lords.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *