Sunday , December 22 2024

Bus operators agrabyado sa Batangas City Grand Terminal

INIREKLAMO ng provincial bus operators ang hindi makatarungang singil ng Batangas City Grand Terminal sa ilalim ng City of Batangas and Batangas Ventures Properties and Management Corporation.

Pangunahing inirereklamo ng provincial bus operators, ang anila’y singil na P95 bawat entry ng bus sa nasabing terminal.

Ayon sa grupo ng mga operator, humiling sila ng audience sa Batangas City Council para sa isang grievance, ngunit nabigo sila dahil hindi nakabuo ng quorum ang konseho.

Sa grievance, nais sanang iharap ng provincial bus operators sa Konseho ng Batangas City, ang disbentaha ng paniningil sa kanila ng nasabing terminal ng halagang P95 bawat entry ng isang bus.

Kung susumahin umano, walang basehan ang paniningil ng P95 sa bawat unit entry dahil hindi naman nagtatagal doon ang bus.

Napipilitan umanong dumaan doon ang mga bus dahil kung hindi, pagbabawalan silang pumasok sa city kung nasaan ang mga pasaherong nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Magugunitang noong Abril 22, 2013, isinabatas ng Sangguniang Panlunsod ang Batangas City PPP Code (Ordinance No. 3 S. 2013) na inaprubahan ng City Mayor noong Mayo 2013.

Sa ilalim ng Batangas City PPP Code, idineklara bilang polisiya ng Batangas City na isusulong umano ang kapakanan at interes ng komunidad at ng lungsod sa framework ng sustainable at integrated development at titiyakin ang paglahok ng pribadong sektor sa local governance sa pamamagitan ng epektibo at viable Public-Private Partnership.

Sa nabanggit na mga konsiderasyon at kasunod na mga probisyon ng Batangas City PPP Code (Ordinance No. 3 s (2013) inisyal na tinanggap ng City Government ang unsolicited proposal ng Batangas Ventures Properties Management Coporations (BVMPC) para sa developmet, operasyon at pamamahala ng tinatawag na “Batangas City Multi-Purpose Transport Terminal” (na papalitan ang pangalan bilang Batangas City Grand Terminal).

Itinayo ito sa property ng Batangas City na nasa Brgy. Alangilan sakop ang 23,511 sq. meters sa pamamagitan ng lease contract at gagamitin bilang bahagi ng Multi-Purpose Transport Terminal.

Inuupahan ito sa halagang P225,000 kada buwan at may 5% cumulative increase kada tatlong taon.

Ang development ng Muli-Purpose Transport Terminal ay nagkakahalaga ng P83 milyon minimum, kabilang ang development ng properties adjacent sa leased property ng Lungsod ng Batangas; ang lahat ng development cost ay exclusive expense ng PPP-Lessee.

Sa First Phase, ang konstruksiyon at operasyon ng transport terminal sa loob ng isang taon mula sa issuance ng Notice o Award. Second Phase ang development ng commercial area sa loob ng reasonable time bago o kasabay ng pagtatapos ng First Phase.

Ang lahat ng business locators ay daraan sa pagbabayad ng buwis at regulatory fees ayon sa nakasaad sa Batangas City Revenue Code.

Ang steady income and revenues ay magmumula sa city government mula sa buwanang upa na P225,000 plus 5% cumulative increase kada tatlong taon, annual property taxes, business taxes, regulatory fees at development permits na babayaran ng BVPMC, business locators, property owners ang lahat ay alinsunod sa Batangas City Revenue Code.

Nagtataka ang mga bus operators kung bakit tila sa kanila naka-focus ang malaking income ng terminal gayong wala bang kalahating milyon ang ibinabayad nila sa local government.

Kung tutuusin, tubong-lugaw na umano ang terminal dahil mayroon pang ibang establishment na nangungupahan sa nasabing terminal.

Dahil dito, hinihiling ng mga bus operator na harapin sila ng konseho upang mailatag din nila ang kanilang mga hinaing.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *