Monday , December 23 2024

Sugatang Pinoy sa China Airport Blast hinahanap

PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine consulate sa Shanghai, China kasunod ng ulat na isang Filipino ang nasugatan sa pagsabog sa Pudong International Airport.

Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, inaalam pa nila ang pagkakilanlan at kalagayan ng naturang Filipino.

Una rito, napaulat na kasama ang Filipino sa limang nasugatan makaraan ihagis ng suspek ang isang home-made explosive malapit sa Terminal 2 ng airport.

Sinasabing inilagay ng suspek ang ginawang bomba sa isang bote ng beer at isinilid sa bag na itinapon sa ticketing center ng paliparan.

Nasa kritikal na kondisyon ang suspek makaraan laslasin ang sariling leeg.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *