Friday , November 15 2024

35 LGU officials na sangkot sa droga iimbestigahan

IDINEPENSA ni incoming Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naging pagbubulgar ni President-elect Rodrigo Duterte na 35 local government executives ang sangkot din sa ilegal na droga.

Sinabi ni Aguirre, tiyak aniyang may basehan si Duterte sa kanyang pagbanggit sa bilang nang naturang mga opisyal.

Tuald din aniya ito sa naunang pahayag ng incoming president na may tatlong heneral ang nauugnay rin sa illegal drug trade.

Dahil dito, magsasagawa ng imbestigasyon ang DoJ sakaling umupo na ang bagong administrasyon sa Hunyo 30.

Kabilang aniya sa maaaring gawin ay pagpaliwanagin muna ang naturang mga opisyal at bibigyan ng due process.

Sa ngayon aniya, habang hindi pa sila nakauupo sa puwesto ay hindi pa sila makakilos.

Aniya, nagpapakita lamang ito na ginagawa na nila ang kanilang mga assignment upang linisin ang katiwalian sa pamahaalan.

“I’m sure kaya sinabi ‘yan ni incoming President Rodrigo Duterte ay may ebidensiya siya na basehan,” ani Atty. Aguirre. “Hindi naman ‘yan sasabihin ni Mayor Duterte kung wala siyang basehan. I’m sure malakas ang kanyang basehan and we are going to conduct the necessary investigation.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *