Friday , November 15 2024

Facebook nag-sorry sa baliktad na PH flag

AGAD humingi ng paumanhin ang social networking service na Facebook kaugnay sa nakabaliktad na watawat ng Filipinas, ang kulay pula ang nasa itaas at asul ang sa ilalim, sa Independence Day greeting nila kahapon.

Sa statement na inilabas ng social media giant, sinabi nitong hindi nila sinasadya ang pagkakamaling nangyari.

Malaki raw ang kanilang pagpapahalaga sa taong-bayan ng Filipinas na nais maging ‘connected’ sa mga tao sa ika-118 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

“This was unintentional, and we’re sorry, we care deeply about the community in the Philippines and, in an attempt to connect people on Independence Day, we made a mistake.” pahayag ng Facebook.

Nabatid na agad pumukaw sa atensiyon ng mga Filipino ang pagkakamali sa kulay ng ating watawat.

Umani ang nangyaring ‘blunder’ ng sari-saring reaksiyon mula sa users ng website na agad ibinahagi ang mga post sa iba’t ibang social media websites.

Tuwing may giyera lamang ibinabaliktad ang kulay ng watawat, na pula ang nasa itaas habang asul ang nasa ilalim.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *