Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piskalya umalma sa isyung droga

CAGAYAN DE ORO CITY – Idinepensa ng Cagayan de Oro City Prosecutor’s Office ang local prosecutors na sinasabing ilan sa kanila ang sabit sa illegal drug trade sa bansa.

Ito ay makaraan ibulgar ni incoming Department of Justice (DoJ) Secretary Atty. Vitaliano Aguirre II na mayroong ilang gov’t prosecutors na sangkot sa nagpupuslit ng droga.

Ayon kay Chief City Prosecutor Fidel Macauyag, wala sa kanilang level na masangkot sa ipinalutang ni Aguirre dahil nasa DoJ-Manila ang automatic review ng drug resolution ng mga kaso.

Inihayag ni Macauyag, hindi nagtatagal sa kanilang poder ang mga sensitibong kaso bagkus ay agad nilang iniaakyat sa panel of prosecutors sa tanggapan ng central office para sa pag-review.

Dagdag ng opisyal, mayroong illegal drug cases na kanilang naibasura dahil halatang planted evidence lamang ng ilang law enforcers.

Una rito, sinabi ni Aguirre, nadesmaya siya na maging siya ay biktima rin ng “midnight resolution” ng piskal na nabayaran ng kanilang kalaban sa kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …