PATUNUGIN ang alarma—may buntis na sumakay sa bus.
Ito ang nangyayari ngayon sa Busan, South Korea, ulat ng Mashable, at ito’y para masiguro na ang mga kababaihang nagdadalantao ay makauupo sa pampublikong sasakyan.
Ito’y bahagi rin ng Pink Light Campaign na sinusubukan ngayon sa mga transit line na bumibiyahe sa loob ng lungsod.
“Dapat manaig ang konsiderasyon para sa mga buntis at kailangan maging madali sa kanila na gumamit ng pampublikong transportasyon sa ganitong polisiya,” ani Busan mayor Suh Byung-soo.
“Kailangan makagamit ang kababaihan ng mga paisilidad sa siyudad kahit nagdadalantao sila,” dagdag ng alkalde.
Sa limang-araw na test run, kinabit ng 500 expecting mother ang Bluetooth-powered na mga beacon sa labas ng kanilang mga bag.
Nag-aalarma ang mga sensor ng pink na ilaw kapag papalapit ang babaeng pasahero na ayaw magbigay ng kanilang upuan.
Ayon sa BBC, makatutulong sa mga pasahero ang Pink Light Campaign para makaiwas sa sinasabing ‘awkward moment’ kapag tumindig sila para sa isang babae na hinbdi nila malaman kung buntis o hindi.
Naniniwala ang ilang kababaihang Koreana na mas mapapadali ng beacon ang pagsakay at pakikipaggitgitan nila kapag puno ang sasakyan.
Ngunit sa ngayon pa lang, inaasahan nilang sa pagsakay pa lang ay maiaanunsiyo na ang kanilang pagdating para bigyan sila ng galang at respeto ng ibang mga pasahero.
Kinalap ni Tracy Cabrera