Saturday , November 23 2024

Politika sa PNP tumitindi! (Purisima vs Petrasanta)

00 Bulabugin JSY

NALULUNGKOT tayo na ang civilian law enforcement ng bansa — ang Philippine National Police (PNP) — ay biktima na rin ng gatungan, gantihan o politikang bulok na itinutulak ng talamak na korupsiyon sa loob.

Iniimbestigahan ngayon sa Kamara de Representantes ang pumutok na isyu ng umano’y pagbebenta ng P52-million o 1,004 AK-47 assault rifle sa New People’s Army (NPA).

Idiniin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing iregularidad si Central Luzon (PNP PRO 3) police director Chief Supt. Raul Petrasanta at ang kanyang 18 opisyal/tauhan.

Malaki ang pasasalamat ni Gen. Petrasanta na iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara dahil sa imbestigasyon ng CIDG ay idiniin na agad sila.

Ang ebidensiyang ginamit ng CIDG ay isang sworn statement ng iisang tao lamang.

Ayaw natin isipin na ang isyung kinakaharap ngayon ni Gen. Petrasanta ay may kinalaman sa mga naririnig nating impormasyon na siya ang gino-groom na kapalit ni PNP chief, Director General Alan Purisima.

Ayaw din natin isipin na ang isyu ng pagbebenta ng AK-47 sa NPA na idinidiin siya at ang kanyang 18 opisyal/tauhan ay rebanse nang ibunyag niya ang isang kaduda-dudang kontrata ng PNP sa isang courier company — ang Werfast Documentation Agency Inc. — para ihatid sa mga kliyente ang lisensiya ng baril ng mga aprubadong aplikante.

Si Gen. Petrasanta, ang dating hepe ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) bago naitalaga sa PNP-PRO 3.

Habang hepe pa ng FEO, natuklasan ni Gen. Petrasanta na ang kakontratang Werfast na sumisingil ng P190 sa bawat aplikante para sa door-to-door delivery ng lisensiya ng baril ay nagpapahatid lamang sa LBC sa halagang P90.

Lumalabas na ang Werfast ay ‘gumigitna’ lang sa pagitan ng kliyente at sa LBC pero mas mataas pa ng P10 ang kita nila sa LBC.

Dahil sa pagbubunyag na ‘yan ni Gen. Petrasanta tinapos ng PNP ang kanilang kontrata sa Werfast nitong Marso 17.

Salamat sa pagbubunyag ni Gen. Petrasanta.

Ngayon gusto natin itanong kay CIDG chief, Director Benjamin Magalong, wala bang kinalaman ang pagiging kandidato ni Gen. Petrasanta bilang susunod na PNP chief at/o pagbubunyag niya sa raket ng Werfast?!

Dapat sigurong linawin ni Gen. Magalong ang isyung ito, lalo’t wala man lang silang maipresintang kongkretong ebidensiya para ibintang kay Gen. Petrasanta ang isang mabigat na akusasyon.

Sinong sira-ulong opisyal ng PNP ang maglalakas-loob na magbenta ng mga baril sa kalaban nila?

May malaking pera ba ang NPA para bumili ng ganyang karaming baril?

Ganyan na ba ngayon sa PNP?!

Paki-explain PNP chief, Director General Purisima!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *