NAPILING MVP at 3-point shootout champion si Terrence Romeo ng Manila West kasama si SBP executive director Sonny Barrios na naggawad ng tropeo sa pagtatapos ng FIBA 3×3 World Tour Manila Masters sa Robinsons Place Manila. (HENRY T. VARGAS)
Read More »San Beda vs JRU
Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan) 2 pm – Jose Rizal U. vs. San Beda 4 pm – Arellano U. vs. Perpetual Help IKAAPAT na sunod na panalo ang hihiritin ng defending champion San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers sa kanilang pagkikita sa 91st National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa …
Read More »Pangilinan: Ipagdasal natin ang World Cup
NANAWAGAN kahapon ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan sa lahat ng mga Pinoy na ipagdasal na mapunta sana sa Pilipinas ang pagdaraos ng 2019 FIBA Basketball World Cup. Nakatakdang lumipad si Pangilinan patungong Japan ngayon upang dumalo sa pulong ng FIBA Central Board tungkol sa kung sinong bansa ang magiging punong abala pagkatapos ng …
Read More »Racal Accel Quantum-3XVI Player of the Week
MARAMI ang nagulat sa ipinakikita ng Letran Knights, walang nag-aakalang nasa tuktok sila ng team standings ng NCAA Season 91. Kulang sa height ang mga bataan ng bagong coach na si Aldin Ayo pero tinalo ng Intramuros-based squad Letran ang mga matatangkad na teams tulad ng five-time defending champion San Beda College Red Lions at Perpetual Help Altas. Isa sa …
Read More »Pacman maaaring mapalaban na ngayon taon!
ABANGAN dahil mapapalaban nang mas maaga ang Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao, ayon kay Top Rank chief Bob Arum. Sa panayam, inihayag ng sikat na promoter na mabilis nang nakare-reco-ver si Pacman sa kanyang injury sa kanang balikat sanhi ng huling laban kontra kay Floyd Mayweather Jr., nitong nakaraang Mayo sa Las Vegas, Nevada. Binanggit ni Arum kay Joe Habeeb …
Read More »Blackwater ‘di na papasok sa trade
NANGAKO ang team owner ng Blackwater Sports na si Dioceldo Sy na hindi na siya papasok sa mga trades bago ang PBA Rookie Draft sa Agosto 23. Kinuwestiyon ng ilang mga kritiko ang pag-trade ng Elite sa first round draft pick nito sa Talk n Text kapalit ni Larry Rodriguez na hindi masyadong binabad sa court noong huling PBA season. …
Read More »Letran asam ang ika-7 panalo vs Lyceum
Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan) 2 pm – St. Benilde vs San Sebastian 4 pm – Letran vs Lyceum NAKATUON ang pansin ng nangungunang Letran Knights sa ikapitong sunod na panalo sa pagtatagpo nila ng Lyceum Pirates sa 91st season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. …
Read More »Narvasa nagsimulang manungkulan bilang PBA commissioner
NAGSIMULA na kahapon si Chito Narvasa bilang bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association. Noong Sabado ay dumalo si Narvasa sa pagbubukas ng bagong season ng Cebu Schools Athletic Foundation Inc. sa New Cebu City Coliseum. Ang CESAFI ay ang ligang pinanggalingan nina PBA back-to-back MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel. …
Read More »PSL Beach Volley Challenge Cup – SM Sands by the Bay
SAKTO sa braso ni Charo Soriano ang bagsak ng bola ng Petron XCS para ibalik sa tambalang sina Rochet Dela Paz at Aurora Tripoli ng Accel Quantum Plus B sa kanilang laban sa PSL Beach Volley Challenge Cup sa SM Sands by the Bay. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Habang nananalo humihirap ang daan — Coach Ayo
HABANG tumatagal ang NCAA Season 91 men’s basketball ay palayo na ang distansiya ng Letran sa mga kalaban nito. Noong Biyernes ay naitala ng Knights ang kanilang ika-anim na sunod na panalo pagkatapos na pataubin nila ang Arellano University, 77-68, sa The Arena sa San Juan. Tatlong laro pa ang natitira sa iskedyul ng Knights sa unang round ng eliminations …
Read More »Blackwater panalo sa tune-up game sa Las Piñas
TINALO ng Blackwater Sports ang Las Piñas All-Stars, 98-83, sa isang exhibition game noong Huwebes sa Starmall Alabang gym sa Muntinlupa. Nagsanib sina Robby Celiz at Raffy Reyes para sa Elite na nagbalik-ensayo sampung araw pagkatapos na maaga silang nagbakasyon mula sa PBA Governors’ Cup. “This is part of strengthening the team,” wika ni Blackwater team owner Dioceldo Sy. “It’s …
Read More »Ang pagbabalik ni Sangalang
KINASASABIKAN na ang pagbabalik sa active duty ni Ian Sangalang para sa Star Hotshots sa 41st season ng Philippine Basketball Association. Kasi nga naman ay isang game lang ang nalaro ni Sangalang noong nakaraang season at paglatapos ay na-sidelined na siya buong conference nang napunit ang anterior cruciate ligament. Kinailangang operahan ito at hindi bumaba sa anim na buwan ang …
Read More »ALIW ang dalawang bata sa kanilang pagtakbo na halos magkasabay ang kanilang galaw sa libong lumahok sa prestihiyosong 39th National MILO Marathon Leg 5 sa MOA grounds. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Norwood pasok sa Gilas
PASOK na si Gabe Norwood sa bagong pool ng Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin . Si Norwood ang tanging manlalaro ng Rain or Shine na kasama sa listahan ni Baldwin para sa national team na sasabak sa FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3. “Yes, confirmed na si Gabe [ Norwood ] lang ang …
Read More »Tatlong carry over inaabangan; Ang kabayong one cup
INAABANGAN ng Bayang Karerista ang pagbabalik ng karera sa Metro Turf Club, Malvar, Batangas. Nagkaroon kasi dito ng tatlong “carry over.” Ang WTA ay may carry over na P1,745,447.62, ang Pick 6 ay may P366,236.00 at P486,755.57 sa Pick 5 Sa araw ng Sabado at Linggo, Agosto 1 at 2 paglalabanan ang mga naging “carry over.” Siguradong magiging malaki ang …
Read More »FIBA 3×3 Manila leg ngayon
TULOY na ngayon at bukas ang ikalawang edisyon ng FIBA 3×3 World Tour Manila Masters na lilipat mula sa SM Megamall patungong Robinson’s Place Manila . Tatlong koponan mula sa Pilipinas ang kasali sa torneo sa pangunguna ng defending champion na Manila West nina Terrence Romeo, KG Canaleta, Rey Guevarra at Aldrech Ramos. “Mas mahirap ngayong taong ito, pero positive …
Read More »Pinay softbelles kompiyansang mananalo sa Big League World Series
KOMPIYANSA ang Philippine softball team na patungo sa Big League World Series sa Delaware sa tsansa nitong mabawi ang titulong napanalunan bilang kampeon tatlong taon na ang nakalipas. Sa Philippine Sportswri-ters Association forum sa Shakey’s Malate, sinabi ni coach Ana Santiago na sapat ang naging paghahanda ng koponan ng Filipinas bukod sa pondong nalikom mula sa pangunahing mga sponor nito …
Read More »Romeo, Taulava sumipot sa unang ensayo ng Gilas
KASAMA sina PBA Most Improved Player Terrence Romeo at ang sentro ng North Luzon Expressway na si Asi Taulava sa mga manlalarong sumipot sa unang ensayo ng bagong Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City. Ayon sa ulat ng www.spin.ph, magaan lang ang ensayong itinawag ni Baldwin para sa mga …
Read More »Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup
UMIBABAW sa net ang bola nang paluin ni Gretchen Ho katambal si Charo Soriano ng Petron XCS pabalik sa katunggaling sina Aurora Tripoli at Rochet Dela Paz ng Accel Quantum Plus B Perpetual Molino. Nanatili sa kontensiyon sina Ho at Soriano para sa quarterfinals sa straight-set wins 21-7, 21-9 sa pangalawang araw ng preliminary round ng PLDT Home Ultera Philippine …
Read More »Middleton, Burks excited sa bagong NBA season
NAGING matagumpay ang pagbisita sa Pilipinas ng dalawang bagong stars ng NBA na sina Kris Middleton at Alec Burks sa Pilipinas para sa programang NBA Fit na itinaguyod ng liga taun-taon. Sa harap ng ilang mga manunulat sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong noong Miyerkules, parehong sinabi nina Middleton at Burks na magiging contender ang kani-kanilang mga koponan sa bagong …
Read More »Mas realistiko sana ang paghahanda
IPINAGPALIBAN ng National Collegiate Athletic Association ang mga laro kahapon upang makiisa sa ‘quake drill’ na isinagawa sa Metro Manila. Magandang gesture ito galing sa pinakamatandang organized sports body sa bansa. Siyempre, sa dami ng mga estudyante ng sampung member schools ng NCAA, mabuti na nga naman na ang mga ito ay manatiling handa sa kung ano ang puwedeng mangyari …
Read More »INSPIRADO ang mga kabataan na balang araw ay magiging kampeon silang kalahok sa 39th National MILO Marathon Leg 5. Sinabayan sila ni race organizer Rio Dela Cruz (kanan) sa arangkadahan na ginanap sa MOA grounds. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Pacquiao hahawak ng koponan sa ABL
BABALIK ang Pilipinas sa ASEAN Basketball League sa tulong ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Magtatayo si Pacquiao ng koponan sa liga na tatawaging Pacman Mindanao Aguilas. Tutulong kay Pacquiao sa pagpondo ng Aguilas ang mga negosyanteng taga-Zamboanga na sina Mark Chiong at Rolando Navarro. “We want to showcase the basketball talents of players from the Mindanao region and …
Read More »Lineup ng Gilas ilalabas sa susunod na Linggo — Barrios
NANGAKO ang Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Renauld “Sonny” Barrios na sa susunod na linggo malalaman ang listahan ng mga manlalarong kasama sa national pool ng Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin para sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre. Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate, sinabi ni Barrios …
Read More »Racal Motors nais sumali sa PBA
KINOMPIRMA ng isang opisyal ng Racal Group of Companies ang pagnanais nitong sumali sa PBA bilang expansion team ngayong taong ito. Sinabi ng team manager ng Racal na si Nick Capurnida na isinumite ng kompanya ang bagong letter of intent kay bagong PBA Commissioner Chito Narvasa noong Huwebes tungkol sa planong pagiging bagong koponan sa liga. “Nag-submit kami ng follow-up …
Read More »