Thursday , February 29 2024

Dawson, Qahwash palalakasin ang Blackwater

DATIHANG import ang sasandigan ng Blackwater Elite sa kanilang kampanya sa Governors Cup na mag-uuumpisa sa Hulyo 15.

Si Eric Dawson ang pinapirma ni coach Leo Isaac na naniniwalang swak sa kanila ito. Nakita na naman kasi ng lahat kung ano ang puwedeng gawin at ibigay ni Dawson noong siya ay naglalaro pa sa Meralco.

Kumbaga aý wala nang sorpresa ang reinforcement na ito at puwedeng asahan ng mga locals. Hindi tulad ng kung kukuha pa ng bagong mukha ang Elite at sosorpresahin sila kung magaling o hindi.

Kapag magailng, e di okay. Kapag hindi magaling, e di sising alipin!

At mukhang desidido talaga ang Blackwater na maging maganda ang kanilang performance sa season-ending tournament. Mangyari ay kumuha sila ng isang mahusay na Asian Import.

Pinapirma din ng Elite si Imad Qahwash, isang mahusay na guwardiya na hindi na estranghero sa mga Pinoy.

Magugunitang ang manlalarong ito ang nagpahirap sa Gilas Pilipinas sa nakaraang 2015 FIBA Asia Championship kung saan natalo tayo sa koponan niyang Palestine.

So, kahit paano ay napatunayan na ni Qahwash na uubra siya sa PBA. Kasi, nakaharap na niya ang cream of the crop ng liga. Aba’ý mga superstars ng PBA ang siyang nakatunggali niya’t napaglalangan sa torneong iyon, e.

Kung ang FIBA Asia tournament na iyon ang gagamiting basehan, aba’y baka malayo nga ang marating ng Blackwwater sa pagkakauha kay Qahwash.

Para ba’ng sure ball na ang Elite sa dalawang puwesto kung kaya’t tatlong posisyon na lang ang pupunan ni Isaac. Ang mahalaga na  lang ay maging ayos ang mga hahalili sa imports kung kailangan na nilang magpahinga. Hindi naman sila robot na 48 minutong maglalaro nang hindi napapagod.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, …

FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos …

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *