Wednesday , March 22 2023

Dodson bumalik sa ‘Pinas

Bumisita sa bansa si half-Filipino UFC fighter John “The Magician” Dodson para sa three-day tour, pero hindi pa natatapos ang kanyang mga aktibidades ay nakatuon na agad ito sa kanyang pagbabalik sa Pinas.

Isiniwalat ni Dodson na magkakaroon muli ng UFC Fight Night dito sa Pilipinas.

“Are you guys ready to see more people here? Do you guys want to see another fight here sometime soon?” tanong ni Dodson sa mga tao kahapon sa press conference sa Impressions restaurant sa loob ng Maxims’ Hotel.

Hindi sinabi ni 31-year-old Dodson kung kasali siya sa mga makikipaglaban sa mixed martial arts na UFC Fight Night na gaganapin sa Mall of Asia.

Naging matagumpay ang first staging ng UFC nitong nakaraang taon kung saan ay nagharap sina Frankie Edgar at Urijah Faber.

“We are very excited to be back in the Philippines,” pahayag ni Executive Vice President at General Manager ng UFC Asia na si Kenneth Berger.

Kasama sa pagbisita ni Dodson ang pagpapakita ng kanyang bilis at explosive moves sa open workout sa June 25 sa Robinsons Place, Manila.

Inspirasyon ni Dodson ang kanyang ina kaya naman gusto nitong lumaban dito sa Pilipinas.

“‘I’m always ready to fight anytime, I want the people to know that I’m Filipino. I make my mom proud everyday because I’m proud of my heritage,” sabi ni Dodson.

Ang Manila tour ni Dodson ay prinesenta ng UFC at Cignal TV.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply