Wednesday , February 28 2024

Tanduay vs Café France

KAHIT na hindi pa sigurado kung makakabalik sa active duty sina Mac Belo at Roger Pogoy na kapwa may injuries, pinapaboran pa rin ang Phoenix Accelerators kontra guest team Blustar Detergent sa kanilang pagkikita sa PBA D-League Foundation Cup  mamayang 4 pm sa  Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm ay magiging balikatan ang engkwentro ng defending champion Cafe France at Tanduay Light.

Ang Phoenix at Cafe France ay kapwa hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa tatlong laro. Ang Tanduay Light ay may 2-1 karta. Ang bumibisitantg Blustar ay natalo sa unang dalawang laro.

Noong Lunes ay hindi ininda ng Phoenix ang pagkawala nina Belo at Pogoy at ginapi ng Accelerators ang AMA Online University, 97-89.

Ang Accelerators ay pinangunahan ni Mike Tolomia na nagtala ng 27 puntos. Si  Ed Daquioag ay gumawa ng 18 puntos samantalang si Alfrancis Tamsi ay nagdagdag ng 16 puntos kabilang na ang apat na three-point shots.

Ang Blustar Dragons ni coach Goh Cheng Huat  ay dinaig ng Tanduay, 84-71 noong Lunes. Noong Martes ay natalo sila sa Cafe France, 98-83.

Sa kabila nito ay hindi minamalit ni Phoenix coach Erick Gonzales ang Dragons dahil sa posibleng nangangapa pa sila at puwedeng makaresbak mamaya.

Aligaga din si Cafe France coach Edgar Macaraya sa Tanduay Light na itinuturing niyang isa sa mga title-contenders ng liga.

Ang Bakers ay sumasandig sa Congolese center na si Rodrigue Ebondo na sinusuportahan nina Paul Zamar, Mark Parala, Mar Villahermosa, Aaron Jeruta at Samboy de Leon.

Ang Tanduay Light ni coach Lawrence Chongson ay pinamumunuan ng  mga ex-pros na sina Ken Acibar, Rudy Lingganay, Val Acuna, Jaypee Belencion.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, …

FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos …

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *