BUKOD kay Terrence Romeo, isa pang dahilan kung bakit umaangat ang Globalport ngayong Smart Bro PBA Philippine Cup ay si Stanley Pringle. Nagpakitang-gilas ang 2015 PBA Rookie of the Year sa huling laro ng Batang Pier noong Biyernes kung saan siya ang bayani sa 113-111 na panalo nila kontra Rain or Shine na pumutol sa tatlong sunod na panalo ng …
Read More »Jervy Cruz ipinasa sa Ginebra
ISANG trade ang inayos ng PBA kahapon bago ang biyahe ng liga patungong Binan, Laguna para sa doubleheader mamaya sa Smart Bro Philippine Cup. Ayon sa isang source, mapupunta sa Barangay Ginebra si Jervy Cruz mula sa Barako Bull kapalit ni Rodney Brondial. Matagal na planong i-trade ng Energy si Cruz ngunit kahapon lang ito naayos at inaasahang aaprubahan ito …
Read More »Alolino bida ‘uli sa NU
SA ikalawang sunod na linggo ay muling napili ng UAAP Press Corps ang point guard ng National University na si Gelo Alolino bilang Player of the Week. Naging bayani si Alolino sa 70-68 na panalo ng Bulldogs kontra Far Eastern University noong Sabado sa Mall of Asia Arena dahil sa kanyang pamatay na tira sa huling 33.5 segundo na sumira …
Read More »MAGKATUWANG na iginawad bago ang photo opp nina (L-R nakatayo) PBA player Chris Tiu, Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Center founder coach Nic Jorge, Category manager for Milo Ready-to-Drink Veronica Cruz at Coach Jerry Codinera ang mga medalya at tropeo sa mga nagkampeon na Team Sharks 12 Under at Team Giants 15 Under sa kauna-unahang BEST Center-FIBA 3-on-3 tournament na …
Read More »DUMALO sina (L-R) MILO Sports Executive Robbie De Vera, Category Manager for Milo ready to drink Veronica Cruz, Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Founder coach Nic Jorge at Edwin Barben sa PSA Forum sa Shakey’s Malate para sa inilunsad na BEST Center-FIBA 3-on-3 Tournament na didribol sa Nobyembre 15, 2015 sa Ateneo Covered Courts sa Quezon City. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Slaughter vs Fajardo
SA Linggo ay malalaman na kung kaya na bang tapatan ni Gregory Slaughgter si June Mar Fajardo. Magkikita sa unang pagkakataon sa season na ito ang dalawang higante sa sagupaan ng Barangay Ginebra at defending champion San Miguel Beer sa Philsports Arena sa Pasig City. Excited ang halos lahat sa salpukang ito. Kasi naman ay tila lumalabas na ang tunay …
Read More »Low Profile, Hagdang Bato magtatagpo sa takdang panahon
NAGING matagumpay ang nakaraang pakarera ng MARHO Platinum Championship Racing Festival sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite noong araw ng linggo, Nobyembre 8, 2015. Dito nagpakita ng gilas ang dalawang mapublikong kabayo n sina Low Profile na pag-aari ni R.B. Dimacuha at ang Hagdang Bato na pag-aari naman ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos. Si Low Profile ay nanalo …
Read More »INIHAYAG ni Taisho Pharmaceuticals Phils. Marketing Manager Ms.Cleo Nodado (kanan) kasama si Subterranean Ideas Ent. Event Manager Mr. Matthew Ardina sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate ang gaganaping 4th Paracetamol Tempra Run Against Dengue sa Nov. 14 sa Quirino Grandstand sa Luneta Park. Ang fun run na dadaluhan ng may limang libong mananakbo ay pangungunahan ng mag-anak ng PBA …
Read More »De Ocampo nagpapagaling na sa bahay
UMUWI na sa kanyang bahay sa Cavite ang pambatong swingman ng Talk n Text na si Ranidel de Ocampo pagkatapos na nakaratay siya ng isang linggo sa Makati Medical Center. Matatandaan na biglang namanhid ang likod ni De Ocampo dahil sa herniated disc habang nagbuhat siya ng timbang sa ensayo ng Tropang Texters noong Oktubre 25 sa Moro Lorenzo Gym. …
Read More »Mga opisyal ng NCAA idinipensa ang double lane violation
IGINIIT ng dalawang technical officials ng huling NCAA Season 91 men’s basketball na tama ang tawag na double lane violation ng mga reperi sa mga huling segundo ng Game 3 ng finals ng Letran at San Beda noong isang linggo. Sinabi nina NCAA commissioner Arturo “Bai” Cristobal at technical supervisor Romeo Guevarra na ayon sa Section 43.3.3 ng 2014 rules …
Read More »ITINANGHAL na kampeon si fifth seed Grandmaster (GM) Richard Bitoon (gitna) kasama sina third seed Grandmaster (GM) Rogelio Antonio Jr. (2nd place) at sixth seed International Master (IM) Haridas Pascua (3rd place) sa ginanap na 2015 Battle of the Grandmasters Nationall Chess Championships sa Philippine Sports Commission National Athlets Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. Magkatuwang …
Read More »Inaalat pa rin ang Ginebra
KUMPARA sa naunang laro ng Barangay Ginebra kontra Star, maganda and ikinilos at ipinakita ng Gin Kings sa kanilang ikalawang game laban sa Barako Bull noong Sabado. Katunayan ay na-excite ng todo ang mga fans ng pinakapopular na team sa bansa dahil sa nilamangan kaagad nila ang Barako Bull ng 21 puntos, 27-6 sa dulo ng first quarter na kinuha …
Read More »Ginebra, Alaska, Mahindra patungong Dubai
PAALIS na ngayon ang Barangay Ginebra San Miguel, Alaska Milk at Mahindra patungong Dubai para sa dalawang larong gagawin doon para sa PBA Smart Bro Philippine Cup. Maglalaban ang Aces at Enforcers sa Sabado, Nobyembre 7 at kinabukasan ay maglalaban ang Aces at Gin Kings sa dalawang laro sa Dubai kung saan sisikapin ng tropa ni coach Alex Compton na …
Read More »NBA scout natuwa kay Ray Parks
NANINIWALA ang isang NBA scout na ang pag-draft ni Bobby Ray Parks sa NBA D League ay magandang hakbang tungo sa paglalaro ng isang Pinoy sa NBA. Sinabi ni Memphis Grizzlies scout Mike Schmidt na panahon na ng NBA na makakuha ng mga manlalarong Pinoy dahil ilang mga Asyano ang sumikat sa liga tulad nina Yao Ming, Yi Jianlian, Hamed …
Read More »Point guard ng NU Player of the Week
KRUSYAL ang 81-73 na panalo ng National University kontra De La Salle sa UAAP Season 78 noong Miyerkoles bago ang pahinga ng liga dulot ng Undas. Malaking tulong para sa Bulldogs ang point guard na si Jay-J Alejandro sa panalo nila kontra Green Archers dahil napanatili ng NU ang maliit na tsansang makapasok sa Final Four at mapanatili ang kanilang …
Read More »HINATAW ng todo sipa ang takraw (rattan ball) ng manlalaro ng Tagum City National Comprehensive High School na lumihis sa depensa ng Zambales National High School defender sa kanilang maaksiyong laban sa 2015 MILO Little Olympics National Finals sa San Luis Sports Complex sa Sta Cruz, Laguna. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Tibay ng dibdib tibay ng puso (2015 Milo Little Olympics)
MAHIRAP talunin ang isang taong hindi sumusuko, minsang wika ni Babe Ruth—isa sa pinakadakilang manlalaro sa larangan ng baseball. Sa mga katagang ito hinugot ni Gobernador Ramil Hernandez ang pag-hamon sa mga lumahok na kabataang atleta sa isinagawang national championships ng 2015 Milo Little Olympics na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna. “Maipapakita ng mga kabataan dito …
Read More »SABAYANG arangkada may sapin man sa paa o wala ng mga kalahok sa 800m run ng 2015 MILO Little Olympics National Finals na ginanap sa Laguna Sports Complex. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Tautuaa, Rosario palpak ang unang laro sa TnT
NAGING very disappointing ang panimulang laro nina Moala Tautuaa at Troy Rosario para sa Talk N Text noong Biyernes nang hindi sila nakapamayagpag sa kanilang sagupaan ng Alaska Milk. Aba’y tinambakan ng Aces ang Tropang Texters, 114-98. Si Rosario ay nakagawa ng apat na puntos samantalang si Tautuaa ay gumawa lang ng dalawang puntos sa pamamagitan ng isang slam dunk. …
Read More »PCSO maiden race
LALARGA sa October 31 sa pista ng Manila Jockey Club, Inc. sa Carmona, Cavite ang PCSO Maiden Race. Ang deklaradong mga kabayo na nagnanais lumahok ay sina Guanta Na Mera (KB Abobo), Mahayana Budur (JB Guce), Yes Kitty (PAT R Dilema), Ellie’s charm (VAL R. Dilema), Purging Line (MA Alvarez), Striking Colors (JB Cordova) at Yong Yong (JB Hernandez). Paglalabanan …
Read More »Team manager ng Rain or Shine nagretiro na
PORMAL na nagretiro si Luciano “Boy” Lapid bilang team manager ng Rain or Shine sa PBA. Ayon sa kanyang kapalit na si Jay Legacion, nagpaalam si Lapid sa pamunuan ng Elasto Painters dahil sa kanyang matagal na iniindang sakit. “Coach Boy suffered a stroke a few months ago at ang anak niya ang nagda-drive ng kotse going to the games,” …
Read More »PBA maglalaro sa Biñan
INANUNSIYO ng PBA na ang mga laro na dapat sanang gawin noong Miyerkoles sa Philippine Cup ay gagawin na sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna, sa Nobyembre 17. Gagawin sa nasabing venue ang mga larong Barako Bull-Mahindra at Barangay Ginebra San Miguel-Meralco sa alas-4:15 at alas-siyete ng gabi, ayon sa pagkakasunod. Matatandaan na noong Miyerkoles ng gabi ginanap ang …
Read More »RAMDAM ang lungkot at kabiguan ng batang kalahok habang nagdiriwang sa kasiyahan ang kabilang panig sa eliminasyon ng Sepak Takraw Elementary division sa ginaganap na 2015 MILO Marathon Little Olympics National Finals sa San Luis Sports Complex Santa Cruz, Laguna. (HENRY T. VARGAS)
Read More »Milo Little Olympics simula ngayon sa Laguna
THUMBS UP ang mga opisyales at organizers sa inilunsad na 2015 MILO Little Olympics National Finals sa Shakey’s Malate, na gaganapin sa Oct. 23-25 sa Sta. Cruz, Laguna. Mula sa kaliwa Milo Regional Organizer for Visayas Ricky Ballesteros, Regional Organizer for South Luzon and National Finals Dr. Robert Calo, Laguna Governor Ramil Hernandez, Milo Sports Executive Robbie De Vera, Regional …
Read More »Torre idedepensa ang titulo (Battle of the GMs)
NAKATAKDANG idepensa ni Asia’s first grandmaster Eugene Torre ang kanyang titulo sa pagsulong ng Battle of the Grandmasters National Chess Championships ngayong araw na gaganapin sa PSC Athletes’ Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex. Paniguradong dadaan sa butas ng karayom ang 63 anyos at chess legend dito sa Pilipinas na si Torre dahil makakalaban niya ang ibang matitikas na …
Read More »