Friday , March 31 2023

Cignal mapapalaban sa Wangs

HAHARAPIN ng Cignal HD ang mabigat na  pagsubok sa pagtutuos nila ng Wangs Basketball sa PBA D-League Foundation Cup 3:00 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro, 5:00 pm, hanap pa rin ng AMA Online Education ang unang panalo kontra Centro Escolar University.

Mataas ang morale ng Wangs Couriers dahil sila ay galing sa 93-84 panalo kontra Racal Motors na maalalang sumegunda sa Cignal HD sa nakaraang Aspirants Cup.

Ang Wangs Basketball ay may 3-2 karta at may pinakamagandang simula buhat nang maging miyembro ng PBA D-league,

“Nakukuha na namin ‘yung chemistry, unlike before na may wall. Na-motivate namin ‘yung players na kailangan talaga naming maging isa kung gusto naming manalo,” ani Wangs coach Pablo Lucas.

Ang nagbida para sa Wangs Basketball ay si Michael Sorela nang gumawa siya ng sampu sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter.

Buhat sa manipis na 70-68 abante ay lumayo ang Couriers, 81-72.

Ang Wangs Basketball ay pinangunahan ni Chris Bitoon na gumawa ng 22 puntos, limang steals, apat na rebounds at tatlong assists. Nagkaroon ng double-double si Robbie Herndon na nag-ambag ng 17 puntos at 13 rebounds.

Ang ibang unaasahan ni Lucas ay sina John Montemayor, Michael Juico, John Tayongtong, Jaycee Asuncion at John Ambulodio.

Ang Cignal HD ni coach Boyet Fernandez ay may 5-2 record.  Si Fernandez ay sumasandig kina Jason Perkins. Reymar Jose, Christopher Sumalinog, Murphy Raymundo  Davon Potts at Monbert Arong.

Ang AMA Online Education ay wala pang panalo sa apat na laro samantala ang CEU Scorpions ay may 2-2 at galing sa back-to-back na panalo kontra Batangas (72-70) at Zark’s Burger (78-62). (SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *